• March 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH, umaasang magpapatuloy na ang pagbaba ng Covid -19 cases sa NCR

UMAASA ang Department of Health (DoH) na magtutuluy-tuloy na ang pagbaba o ang downtrend ng mga Covid-19 cases sa bansa partikular na sa Metro Manila, lalo na’t wala nang malalaking event na inaasahan sa mga susunod na araw.

 

 

Ito ang sinabi ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire sa ginanap na Malakanyang Public Briefing.

 

 

Subalit, ayon kay Vergeire, dapat paring tandaan ng lahat na hindi lamang mass gatherings ang dahilan ng pagtaas ng kaso kundi pati narin ang galaw o mobility ng mga tao.

 

 

Kahit hindi kasi aniya magkaroon ng mga pagtitipon pero kung hindi naman nasunod ang mga health protocols sa paglabas ng bahay, malaki parin ang tsansang makapitan ng virus o ng Omicron variant na mabilis makapanghawa.

 

 

Kaya ang payo ng health official, patuloy na isaalang alang ang pagtalima sa mga components ng minimum public health standards para tuluy-tuloy na ang pagbaba ng mga kaso na unang namataan sa NCR.

 

 

Habang sa mga unvaccinated naman aniya, tiyakin na makakapagpaturok ng ng bakuna para masiguro ang proteksyon at kaligtasan laban sa virus.

Other News
  • PBBM, pinangunahan ang panunumpa ng 55 heneral ng PNP

    PINANGUNAHAN  ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panunumpa sa 55 mga police generals na ginawa sa Heroes Hall sa Palasyo ng Malakanyang.  Ito ang ikalawang batch ng mga nag -oath taking na heneral ng PNP dahil  nasa may 58 ang nanumpa sa unang batch na ginawa noong isang linggo. Sa naging talumpati ni Pangulong […]

  • Pasahe sa barko, gawing abot-kaya

    KASALUKUYANG naghahanap ng paraan ang  Department of Transportation (DOTr) para mabigyan ang mga pasaherong sumasakay ng barko ng “affordable price” para sa kanilang pasahe.     Sa Laging Handa public briefing,  tinuran  ni  DOTr Secretary Jaime Bautista na base na rin ito sa naging kautusan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos na gawing abot kaya ang […]

  • Joaquin Phoenix returns Arthur Fleck in Todd Phillips’s Joker: Folie à Deux

    Joaquin Phoenix returns Arthur Fleck in Todd Phillips’s Joker: Folie à Deux  Arthur Fleck will return in Joker: Folie à Deux, and he will bring with him a whole new ensemble. Todd Phillips’s 2019 movie Joker was arguably the year’s biggest lightning rod in cinemas, with significant pre-release debate that the movie’s story of Arthur Fleck (Joaquin Phoenix) […]