• June 21, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOJ, inatasan ni PDu30 na inimbestigahan ang korapsyon sa buong gobyerno

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte InterAgency Task Force led sa pangunguna ni Justice Secretary Menardo Guevarra na imbestigahan ang korapsyon sa buong pamahalaan.

 

Ipinag-utos din ng Pangulo sa task force na imbestigahan ang di umano’y korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

 

“It behooves upon me to see to it na itong corruption mahinto or at least maputol nang konti,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

Binalaan ng Pangulo ang mga tiwaling opisyal na hindi sila maililigtas ng pagbibitiw sa puwesto mula sa criminal o administrative liability.

 

Binigyang halimbawa ng Pangulo ang nangyaring kaganapan sa PhilHealth kung saan mahigit 40 senior officials ang nagbitiw sa puwesto para mabigyang daan ng reorganization ng scandal-plague agency.

 

“Let me remind everybody in this government. Your resignation will not save your neck,” giit ng Pangulo.

 

“You are not allowed to resign to escape liability,” diing pahayag nito.