DOLE hinimok ang mga negosyante na kumuha ng safety seal
- Published on June 4, 2021
- by @peoplesbalita
Maaari nang mag-apply ng safety seal certification ang mga pribadong establisimyento bilang tanda na sumusunod sila sa minimum public health standards na itinakda ng pamahalaan.
Sa isang pahayag, sinabi ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III na tinitiyak ng mga negosyong napagkalooban ng safety seal certificate na sumusunod sila sa minimum health protocols, tulad ng social distancing at paggamit ng contact-tracing application, partikular ang StaySafe.PH application, bukod pa sa iba.
Ang StaySafe.PH ang opisyal na tagapag-ulat ng kondisyong pangkalusugan ng bansa, contact tracing at social distancing system na pinahintulutan ng Interagency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) at ng National Task Force Against COVID-19.
Itaguyod ligtas na ekonomiya
Sinabi rin ni Bello na ang safety seal ay isang mahalagang inisyatibo ng pamahalaan na naglalayon maging ligtas ang muling pagbubukas ng ekonomiya.
“Sa pamamagitan ng safety seal certification program, tinitiyak natin sa publiko, lalo na sa ating mga manggagawa na sila ay ligtas at protektado sa sandaling lumabas sila ng kanil-kanilang tahanan, at kahit pa pahintulutan natin ang ganap na muling pagbubukas ng ating ekonomiya,” wika ng kalihim.
“Bagamat boluntaryo ang aplikasyon, hinihikayat ko ang ating mga pribadong negosyo at establisimiyento na kumuha ng safety certification para tumaas ang kumpiyansa ng publiko”, paghimok ni Bello. “Libre naman po ang pagkuha ng safety seal certification”, dagdag pa ng kalihim.
Ang Department of Labor and Employment (DOLE) ang siyang mag-iisyu ng sertipikasyon sa mga establisimiyento sa sektor ng manufacturing, construction, utilities, information and communication, at warehousing industry.
Ang iba pang tanggagpan ng pamahalaan na itinalagang mag-isyu nito ay ang Department of Tourism (DOT), Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), at ang mga local government units (LGUs). (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Mataas na bilang ng COVID-19 cases sa mga DepEd personnel, ikinaalarma
IKINAALARMA ni Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang mataas na bilang ng COVID cases sa mga personnel ng Department of Education. Kasabay nito, hinikayat ng mambabatas ang Department of Education na agad kumilos para masiguro na maibibigay ang healthcare services at tulong sa mga DepEd personnel na nagkasakit ng covid. […]
-
Subscribers, may parusa kapag nagbigay ng false information sa panahon ng SIM registration
NAKATAKDANG ipalabas sa Disyembre 12 ang implementing rules and regulations (IRR) ng SIM Registration Act. Magiging epektibo naman ang batas sa Disyembre 27. Nag-draft na kasi ang National Telecommunications Commissions (NTC) ng IRR at nakatakda ang public hearing nito sa Disyembre 5. Sa ilalim ng draft IRR, “a SIM card user may register his number […]
-
China, muling pinagtibay ang commitment sa joint oil, gas development sa Pinas
HINDI nagbabago ang posisyon ng China sa joint development ng oil at gas sa Pilipinas. Nagpalabas ang Chinese Embassy ng kalatas bilang tugon sa suhestiyon ni dating Energy undersectary Eduardo Mañalac para sa isang independent oil at gas exploration ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS). “Our position on joint development […]