• May 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOLE: Libreng bike sa ‘economic frontliners’ na magpapabakuna

Magbibigay ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng libreng bisikleta sa mga ‘economic frontliners’ o kabilang sa A4 category na makakakumpleto ng dalawang dose ng bakuna kontra COVID-19 umpisa sa buwan ng Hulyo.

 

 

Inisyal na maglalabas ng 2,000 bisikleta ang DOLE-Bureau of Workers with Special Concerns (BWSC) sa ilalim ng programang “BakSikleta”. Ilalaan ang 1,000 sa mga bisikleta para sa National Capital Region (NCR).

 

 

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ito ay paraan nila para hikayatin ang mga manggagawa na ituluy-tuloy ang pagpapabakuna at hikayatin pa ang kanilang mga kasamahan.

 

 

Kasama rin sa package ang libreng Android phone na may P5,000 load para magamit ng mapipiling manggagawa sa pagtatayo ng maliit na negosyo o sideline.

 

 

Kasama ring ipamimigay ang bike helmet, kapote, water bottle at thermal bag. (Gene Adsuara)

Other News
  • Alex Eala nakasama sa wild card ng Miami Open

    LABIS na ikinatuwa ngayon ni Pinay tennis star Alex Eala ang pagkakasama niya sa wild card ng Miami Open. Isa kasi ang 19-anyos na Pinay tennis sensation sa pitong wildcards sa main draw ang napili ng Women’s Tennis Association (WTA). Magsisimula ang nasabing torneo sa darating na Marso 18 sa Hardrock Stadium sa Miami, Florida. Si […]

  • Posibleng magpatupad ng price cap sa swab test

    MALAKI ang posibilidad na magpatupad si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng price cap sa  RT-PCR o swab tests para sa  COVID-19.   Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque  na hindi posibleng magpalabas si Pangulong Duterte ng  isang  executive order na magre-regulate ng presyo ng swab tests.   “I don’t think it is impossible for him […]

  • SYLVIA, napagod at muntik nang sumuko dahil sa mga taong nanakit at nanglait; nawala ang pangamba dahil sa ‘Diyos’

    PINOST ni Sylvia Sanchez sa kanyang FB page ang red carpet event na magagangap ngayong hapon na hatid ng Star Magic.     Post niya, “It’s a red carpet day with your favorite Kapamilya stars this Friday at 3 PM.     “Witness this new notch on their careers as Arjo Atayde, Maymay Entrata, Edward […]