DOLE NAGBABALA SA MGA GUMAGAMIT NG SOCIAL MEDIA NG AHENSIYA
- Published on October 28, 2021
- by @peoplesbalita
NAGBABALA ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa publiko laban sa mga gumagamit ng social media platforms na umano’y konektado sa ahensya .
“The DOLE warns the public against unverified and illegitimate online transactions or platforms claiming to be affiliated with the Department using the PhilJobNet and the Public Employment Service Office (PESO) brands, and subsequently asking its registrants to deposit money in exchange for ‘commissions’,” pahayag ng DOLE sa isang press statement.
Inabisuhan din ng ahensya ang publiko na walang registration fee o commission fee na ibinibigay sa mga registrant ng PhilJobNet, ang online platform ng gobyerno para sa mga naghahanap ng trabaho .
Nilinaw din ng DOLE na hindi ito affiliated, nauugnay, otorisado , inendorso o sa anumang paraang opisyal na konektado kina ‘Norbert Jr. V’, ‘Collen Antoinette Marquez’, o anumang kahalintulad na personalididad na nagke-claim ng pera kapalit ng komisyon.
Ayon pa sa DOLE, hindi sila nag-aalok ng serbisyo sa pamamgaitan ng WhatsApp application.
Saad pa sa pahayag ng DOLE, ang publiko ay pinapayuhan na manatiling mapagmatyag at huwag magpalinlang sa mga walang prinsipyong indibidwal na ito na nagsasabing kaanib sila ng Gobyerno o mga opisyal nito upang isulong ang kanilang mga ilegal na aktibidad.
Payo ng ahensya sa publiko, huwag i-entertain o makipagtransaksyon sa kanila.
Hinikayat din ang publiko na suriin at i-validate ang pagiging lehitimo ng mga alok sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Bureau of Local Employment sa numero ng telepono 8527-2539 o sa pamamagitan ng electronic mail address na ble.lmircgad@gmail.com (GENE ADSUARA)
-
Mga kandidatong may asosasyon sa POGO, huwag iboto
HINIKAYAT ni House Assistant Majority Leader Ernix Dionisio Jr. ng Manila ang mga botante na huwag iboto ang mga kandidato sa halalan sa Mayo na may kaugnayan sa ipinagbawal na Philippine offshore gambling operators (POGOs). “Ang problema natin naman ngayon na hinaharap natin, same individuals involved in illegal gambling in POGOs. They’re trying to get […]
-
VP Sara, sinabing darating ang panahon na hindi na siya ‘sasali’ pa sa pulitika
INIHAYAG ni Vice President Sara Duterte na darating ang panahon na hindi na siya ‘sasali’ pa sa pulitika. Tugon ito ng Bise Presidente nang matanong kaugnay sa payo sa kaniya ng kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na umalis sa pulitika at mamuhay na lamang ng mapayapang buhay. Napatawa naman ang […]
-
MGA BUNTIS NA MEDICAL FRONTLINERS PUWEDENG MABAKUNAHAN
PUWEDENG mabakunahan ang mga “buntis” na medical frontliners na may high risk exposure sa COVID-19 . Ito ang nilinaw ng Department of Health (DOH) at sinabing basta’t may clearance mula sa kanilang mga doctor o physician. Gayundin ang mga senior citizen na frontliner ay maaari ring mabakunahan kontra COVID-19. Ayon sa DOH, […]