• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOLE nagpaalala: 13th month ibigay bago ika-24 ng Disyembre

NAGLABAS  na ng guidelines ang Department of Labor and Employment (DOLE) pagdating sa 13th month pay ng mga empleyado, bagay na dapat mabayaran ng employers hanggang bisperas ng Pasko.

 

 

Ito ang muling idiniin ng kagawaran, Lunes, sa kalalabas lang nilang DOLE Labor Advisory No. 23, Series of 2022.

 

 

“The 13th month pay shall be paid on or before December 24, 2022,” wika ng DOLE sa kanilang advisory.

 

 

“No request or application for exemption from payment of 13th-month pay, or for deferment of the payment thereof shall be accepted and allowed.”

 

 

Ang naturang alituntunin ay inilabas alinsunod sa Article 5 ng Labor Code of the Philiine at Presidential Decree 851 na nag-oobliga sa mga employers ng pribadong sektor na bayaran ng 13th month pay ang kanilang rank-and-file employees.

 

 

Sasaklawin nito ang lahat ng nabanggit anuman ang posisyon o employment status basta’t “nakapagtrabaho ng hindi bababa sa isang buwan ng calendar year.”

 

 

Ibibigay din ito sa rank-and-file employees na:

 

binabayaran sa “piece-rate basis”

 

fixed o guaranteed wage plus comission

 

may multiple employers mga nag-resign o tinanggal

 

nasa maternity leave

 

mga nakakukuha ng salary deferrential

 

Para i-compute ang 13th month, i-add ang kabuuang halaga ng sahod/sweldong nakuha sa buong taon at i-divide ito sa 12 (buwan). Hindi pwedeng bumaba riyan ang 13th month.

 

 

“The minimum amount shall be given without prejudice to existing company practice or policy, employment contract or collective bargaining agreement (CBA) if any.”

 

 

“Compliance with the 13th-month pay shall be enforced b the appropriate DOLE Regional/Field/Provincial Office having jurisdiction over the workplace in accordance with the prescribed rules and regulations.”

 

 

Ngayong buwan lang nang sabihin ng DOLE na inaaral na nila kung maaaring bigyan ng subsidyo ang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) para mabayaran nila ng 13th month ang kanilang mga manggawa.

 

 

Taong 2021 lang nang iulat ng kagawarang umabot sa 1,300 kumpanya ang bigong makapagbigay ng naturang benepisyo, na isang paglabag sa batas. (Daris Jose)

Other News
  • Trabaho para sa seniors, PWDs tuluy-tuloy sa Maynila

    TULOY pa rin ang pagsisikap ng pamahalaang lungsod na mabigyan ng pagkakataong makapasok ng trabaho ang mga senior citizen at persons with disability (PWDs) upang maitaas ang kanilang moral.     Sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna, na paborito niya ang mga senior citizen at PWDs  na mabigyan ng trabaho dahil hindi lamang para kumita […]

  • 4 huli sa aktong sumisinghot ng droga sa Valenzuela

    BAGSAK sa selda ang apat na katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.     Sa ulat ni PMSg Ana Liza Antonio kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., nakatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen ang Station Drug Enforcement Unit […]

  • Aminadong na-trauma nang gupitan: Makeover noon ni KRIS, biglang nag-viral sa social media

    BIGLANG nag-viral sa social media ang makeover ni Kris Bernal noong maging finalists siya sa StarStruck: The Next Level noong 2006.     Sa  throwback video na ipinost ng GMA Network sa Instagram, naiyak si Kris nang gupitan ng maigsi ang mahabang buhok niya at nilagyan ng layers.     Kasama kasi ang makeover sa challenges […]