DOLE, tiniyak na tutulungan ang mga repatriated OFWs na nais na muling magtrabaho sa ibang bansa
- Published on October 16, 2020
- by @peoplesbalita
HANDA ang gobyerno na tulungan ang 250,000 na Overseas Filipino Workers (OFWs) na muling makapagtrabaho sa ibang bansa matapos umuwi ng Pilipinas makaraang maapektuhan ng Covid – 19 ang kanilang trabaho.
Sinabi ni Labor Sec. Silvestre bello III, bukas ang kanilang tanggapan na tulungan ang sinumang repateiated OFWs na nais na muling makapaghanapbuhay sa ibang bansa.
Sa katunayan ayon sa Kalihim ay mayroon pang mga open markets o mga alternative markets para masiguro na matutulungan ang mga ito nf pamahaalan para muling ma- deploy sa ibayong-dagat.
Para naman aniya sa mga ayaw ng magtrabaho sa ibang bansa ay mayroong inisyal na mga cash assistance at livelihood programs na aniya ang DOLE para sa mga ito sa ilalim ng National Reintegration program ng departamento. (Daris Jose)