• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOLE TUTULUNGAN ANG MGA TINANGGAL NA EMPLEYADO NG ISANG MOBILE PHONE COMPANY

NANGAKO  ang Department of Labor and Employment (DOLE) na sisiyasatin ang mga alegasyon ng pagtanggal ng isang kumpanya ng mobile phone sa mga empleyado nito dahil sa pagbuo ng unyon.

 

 

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello aalamin nito kung may katotohanan ang reklamo ng mahigit 200 kawani ng Vivo Tech, Inc. na nag-rally sa harap ng tanggapan ng DOLE nitong Lunes .

 

 

Ginawa ang pagkilos ng mga natanggal sa trabaho na mga empleyado ng nasabing kumpanya upang kunin ang atensyon ng DOLE at sila ay matulungang makabalik sa trabaho para sa kanilang pamilya

 

 

Ayon sa mga manggagawa na naprotesta, kabuuang 689 na regular employee ang inalis sa trabaho ng walang basehan.

 

 

“The company’s alibi is that we were retrenched due to business losses but that’s untrue,”

 

 

“How can that be when each of us were selling 50 units of cellphones equivalent to P300,000 per month? They’re earning. Our termination from work has no legal cause,” sigaw ng mga nagprotesta.

 

 

Ayon sa DOLE, napag-alaman na bumuo ng unyon at nagkaroon ng collective bargaining agreement (CBA) sa management ng kumpanya.

 

 

Gayunman nabigo ang  kumpanya na sundin ang obligasyon  nito sa mga manggagawa .

 

 

Sinabi rin ng mga manggagawa na sa halip na iresolba ang usapin ay tinanggal sila bago nagsagawa ng mass hiring sa pamamagitan ng manpower agency.

 

 

“That’s a very sad story during the pandemic. But we need to get all the information about this so we can act on it accordingly,” pahayag ni Bello na kasalukuyan pa ring naka-quarantine sa kanyang hometown sa Isabela.

 

 

Hinikayat naman ng kalihim ang mga natanggal na manggagawa na pormal na maghain ng kanilang reklamo sa DOLE  upang maisagawa ang tamang pagsisiyasat sa kanilang reklamo.

 

 

“Before anything, I call on the dismissed workers to formally file a complaint at DOLE so we can fully execute our job on the matter,” wika ng kalihim.

 

 

” The company with will be dealt with accordingly if it turns out to be a union buster.” GENE ADSUARA

Other News
  • 2 drug suspects nalambat sa Navotas buy bust, P400K shabu nasamsam

    MAHIGIT P.4 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa dalawang umano’y tulak ng illegal na droga na natimbog sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.     Ayon kay Navotas police chief P/Col. Allan Umipig, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Navotas […]

  • PBBM, nilagdaan ang batas ukol sa Alternative Education Program

    TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang batas na magi-institutionalize sa expanded tertiary education equivalency and accreditation program (ETEEAP). Sa pamamagitan ng Republic Act 12124, o ETEEAP Act, pahihintulutan ang mga Filipino, lalo na iyong mga propesyonal na nagtatrabaho na tapusin ang kanilang college education para sa pagsusulong ng career. Ang ETEEAP ay “will […]

  • RABIYA, tuloy na tuloy na bilang leading lady ni Sen. BONG; SANYA, may participation pa sa ‘Agimat ng Agila’

    OUR best wishes and congratulations to the newlyweds Kapuso stars Tom Rodriguez and Carla Abellana.     The wedding took place at the San Juan Nepomuceno Parish Church in Batangas, last Saturday, October 23, 2021.     The stunning bride walk the aisle with her father. actor Rey Abellana and her mom Aurea (Rea) Reyes, […]