DOMINIC, sinorpresa si BEA ng isang brown-haired Poodle puppy
- Published on October 19, 2021
- by @peoplesbalita
SINORPRESA ni Dominic Roque ang girlfriend na si Bea Alonzo sa nakaraang birthday nito ng isang brown-haired Poodle puppy.
Isang fur mom kasi si Bea at alam ni Dominic na matutuwa ito sa kanyang niregalong puppy dog.
Sa Instagram Stories ni Bea, pinost niya ang bago niyang fur baby at humingi ito ng suggestion mula sa kanyang followers kung ano ang magandang ipangalan dito?
May alaga nang White Maltese dog si Bea na ang pangalan ay Walter White.
Noong magkaroon daw ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic last year, si Walter White ang naging constant companion niya.
Kasama rin daw ito ni Bea matulog sa kanyang kama, sabay din silang kumain at pati sa pag-workout.
Nasama na rin niya si Walter White sa isang print ad endorsement niya.
Ngayon ay dalawa na ang fur babies niya, doble na ang aalagaan niya na parang mga anak niya.
***
UNTI-UNTI na raw nakakawala si Mavy Legaspi sa tandem nila ng twin sister niyang si Cassy Legaspi.
May kanya-kanya na raw silang solo careers at hindi raw forever na makikilala sila at Cassy & Mavy.
“Masaya ako kasi may career path na ako na solo. Si Cassy may career path na rin. I am very happy and siyempre ‘yung first projects ko kasama ko ‘yung mga close sa aking buhay,” sey ni Mavy.
Pinaka-excited si Mavy sa pagganap bilang Basti sa I Left My Heart in Sorsogon.
“I am very happy and I am very excited na you’ll get to watch I Left My Heart in Sorsogon very soon.”
Bukod sa naturang teleserye, parte pa rin si Mavy ng Sarap, ‘Di Ba?
***
UMABOT na sa 9.8 million views ang official trailer ng Scream 5 after itong ilabas noong nakaraang October 12.
Ang Scream ang pinaka-successful na slasher film noong ’90s at muli itong magbabalik with the original cast na sina Neve Campbell as Sidney Prescott, David Arquette as Deputy Dewey Riley and Friends star Courteney Cox as Gale Weathers. Sasamahan sila ng Hollywood Gen-Z stars na sina Kyle Gallner, Mason Gooding, Mikey Madison, Dylan Minnette, Jenna Ortega, Jasmin Savoy Brown, Sonia Ammar, Jack Quaid and Melissa Barrera.
Nagkaroon ng apat na pelikula ang Scream at nag-gross ang mga ito ng higit sa $608 million sa worldwide box-office.
Sa reboot ng naturang slasher film, hindi na si Wes Craven ang direktor nito dahil pumanaw na ito noong 2015. Sina Matt Bettinelli-Olpin and Tyler Gillett ang humawak ng project at naging faithful sila sa na-create na characters ni Kevin Williamson na siyang executive producer ng Scream 5 na magpi- premiere in theaters sa January 14, 2022.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Gentlemen’s agreement sa pagitan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng Tsina ,“constitutionally void”
“CONSTITUTIONALLY void” ang gentlemen’s agreement sa pagitan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng Tsina para sa BRP Sierra Madre na nasa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS). Ayon kay House Deputy Majority Leader at Mandaluyong Rep. Neptali “Boyet” Gonzales II, chairman ng House Special Committee on the West Philippine Sea, […]
-
Mahigit 1.1K kabataan, binakunahan sa pilot pediatric vax
MAHIGIT sa 1,000 menor de edad na may edad na 15 hanggang 17 binakunahan na bilang bahagi ng pilot pediatric vaccination. Ito ang ulat ng National Task Force (NTF) Against Covid-19. Sinimulan ng pamahalaan ang rollout sa 8 ospital sa iba’t ibang bahagi ng Kalakhang Maynila na nagsimula noong Oktubre 15, […]
-
Green muling aasahan ng Warriors
LABAS-masok man sa krusyal na bahagi ng fourth quarter sa panalo ng Golden State Warriors sa Boston Celtics sa Game Four ng NBA Finals noong Sabado ay isa pa rin si Draymond Green sa mga aasahan ni coach Steve Kerr sa Game Five ngayon (Manila time). “Draymond is Draymond. He’s going to bring […]