• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Donaire nakaabang lang kay Casimero

Wala pang dumarating na opisyal na komunikasyon kay World Boxing Council (WBC) bantamweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire mula sa kampo ni World Boxing Organization (WBO) titlist John Riel Casimero.

 

 

Ito ang isiniwalat ni Donaire kahapon kung saan nakaabang lamang ito sa mga magiging aksyon ng grupo ni Casimero.

 

 

Magugunitang hinamon ni Casimero sina Donaire at WBA/IBF bantamweight king Naoya Inoue sa isang unification bout matapos ang split decision win nito kay Cuban fighter Guillermo Rigondeaux noong nakaraang linggo.

 

 

Ngunit nilinaw ni Do­naire na hindi naman nakikipag-ugnayan sa kanila ang kampo ni Casimero partikular na si MP Promotions chief Sean Gibbons na siyang humahawak sa boxin career nito.

 

 

Inihayag ni Donaire na handa itong harapin si Casimero sa laban ngunit kailangang pag-usapan ito ng maayos sa mesa at hindi sa social media.

 

 

Nais ni Donaire na magkaroon ng respeto ang magkabilang panig lalo pa’t parehong Pilipino ang maghaharap sa laban.

 

 

Wala pang tugon sina Casimero at Gibbons sa pahayag ni Donaire.

Other News
  • DBM naglabas ng P2.76-B para sa COVID-19 vaccines

    Base sa latest data ng DBM, hanggang noong, Enero 14, 2021, inilabas ang special allotment release order (SARO) noong Disyembre 28, 2020, na nagkakahalaga ng P1.49 billion.   Ang halagang ito ay advance payment sa biniling bakuna sa ilalim ng $100-million Covid-19 emergency response project loan sa World Bank noong nakaraang taon.   Bukod dito, […]

  • Kailangang pondo para sa pagbabakuna sa 12 to 17 age bracket, huhugutin sa reserves ng gobyerno- DoF

    SINIGURO ni Finance Secretary Carlos Dominguez kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may sapat na budget ang gobyerno sakaling umarangkada na ang pagbabakuna sa mga teenager.   Pagtiyak ni Dominguez kay Pangulong Duterte, huhugutin sa reserves ang budget para sa pagbabakuna sa 12 to 17 age group.   Aniya, sapat na ang reserve ng gobyerno […]

  • Malakanyang, umapela sa mga pork vendors na nakiisa sa pork holiday

    UMAPELA ang Malakanyang sa mga vendors o manininda sa Metro Manila na nakiisa sa “pork holiday” dahil sa pangamba na mabangkarote sa gitna ng ipinatupad na price freeze ng pamahalaan na ipagpatuloy na ang kanilang pagtitinda.   Ang katwiran ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang tulong ng pamahalaan ay sapat na para maka-survive ang mga […]