• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Donaire tinanggap na ang pag-sorry ni Casimero

Tinanggap na ni Nonito Donaire Jr ang paghingi ng paumanhin ng kapwa nitong Pinoy boxer na si John Riel Casimero.

 

 

Sa paghaharap ng dalawa sa isang online interview na nag-sorry si Casimero sa kaniyang koponan at mga fans na nasangkot sa palitan nila ng salita sa social media ng tinaguriang “The Filipino Flash”.

 

 

Naghingi ring kapatawaran si Casimero sa asawa at manager ni Donaire na si Rachel para matuloy na ang kanilang paghaharap.

 

 

Magugunitang nakatakdang magharap sana ang dalawa noong Agosto subalit ito ay kinansela matapos umano na bastusin sa pamamagitan ng social media ni Casimero ang asawa ni Donaire.

 

 

Ilang linggo ring nagpalitan ng “Trash talk” ang dalawa sa social media.

 

 

Hawak ni Donaire ang WBC bantamweight title habang si Casimero ay kasalukuyang WBO bantamwieght champion.

Other News
  • Marc Pingris hindi pa tuluyang nagretiro sa paglalaro ng basketball

    Hindi pa tuluyang nagretiro sa paglalaro ng basketball si PBA star Marc Pingris.     Inanunsiyo kasi ng Nueva Ecija Rice Vanguards na pumirma sa kanila ang nine-time PBA champion para sa 2021 Chooks-to-Go Maharlika Pilipinas Basketball League Invitational Cup.     Gaganapin ang torneo mula Disyembre 11 hanggang 23, 2021.     Sinabi ni […]

  • Mga guro sa Caloocan, may P2K monthly augmentation pay

    MASIGLANG sinalubong ang 2025 ng mga guro ng pampublikong paaralan sa Lungsod ng Caloocan nang ipatupad ng pamahalaang lungsod ang Php 2,000 buwanang augmentation pay simula na unang ipinangako ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan sa kanyang State of ang City Address (SOCA) noong Setyembre 2024. Ang nasabing augmentation pay ay allowance na ibinibigay ng […]

  • Ads March 4, 2023