Donasyong COVID-19 vaccine ng China, depende na sa DOH – FDA
- Published on January 21, 2021
- by @peoplesbalita
Ipinauubaya na ng Food and Drugs Administration (FDA) sa Department of Health (DOH) kung gagamitin ang mga donasyong bakuna ng China kahit na wala pa itong Emergency Use Authorization (EUA) sa Pilipinas.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni FDA Director-General Usec. Eric Domingo, sang-ayon sa batas hindi namang ipinagbabawal ang pagtanggap ng gobyerno ng mga gamot na hindi pa rehistrado sa bansa o wala pang EUA.
Ayon kay Usec. Domingo, basta’t ang mga ito ay may EUA mula sa kanilang country of origin ay maaari itong tanggapin ng DOH.
Magugunitang noong nakipagkita si Chinese Foreign Minister Wang Yi kay Pangulong Rodrigo Duterte, nangako itong magdo-donate ang China ng 500,000 doses ng Sinovac sa bansa.
-
Dismayado ang netizens sa sinuot sa ‘Sparkle Spell 2023’: ALDEN, parang napadaan lang at ‘di na nag-effort mag-costume
DISMAYADO ang mga netizen nang makita nila kung ano ang suot ni Alden Richards sa ginanap na ‘Sparkle Spell 2023’. Casual na casual lang kasi ang suot niya na naka-black shirts, sneakers, maong pants na may dalang bouquet ng bulaklak. Tipong parang napadaan lang daw ito habang ang ibang mga Sparkle artists ay […]
-
Halos 5,000 indibidwal, nakatanggap ng P35.35 million na tulong medikal mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office
NAGLABAS ng P35.35 milyon na tulong medikal ang Philippine Charity Sweepstakes Office sa kabuuang 4,704 na kwalipikadong benepisyaryo sa buong bansa mula Enero 9 hanggang Enero 13. Sa pagbanggit sa datos na inilabas, sinabi ng ahensya na ang mga pondo ay inilabas sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng Medical Access Program. […]
-
Ads June 15, 2021