• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Doncic, James nanapaw sa Clippers

KUMOLEKTA si Luka Doncic ng 29 points at 9 assists at may 17 markers si LeBron James sa 108-102 pa­g­pa­­patumba ng Lakers sa Clippers

Isang puntos na lamang ang kailangan ng 40-anyos na si James para maging unang player sa NBA history na umiskor ng 50,000 combined points sa regular season at playoffs.

Nag-ambag si rookie Dalton Knecht ng 19 points para sa ikaanim na sunod na panalo ng Lakers (38-21) bagama’t hindi naglaro sina injured starters Austin Reaves at Rui Hachimura.

Bumira si Kawhi Leo­nard ng season-high 33 points para sa Clippers (32-28) na ilang beses binura ang 21-point deficit ngunit kinapos sa huli.

Inilista ng Lakers ang 86-66 abante sa 2:20 minuto ng third quarter bago ito naputol ng Clippers sa 102-107 mula sa three-pointer ni Leonard sa huling 1:40 minuto ng fourth period.

Sa Boston, umiskor si Jaylen Brown ng 22 points  habang nagsalpak si Derek White ng isang floater sa huling minuto ng laro sa 110-103 pagdaig ng nagdedepensang Celtics (43-18) sa Denver Nuggets (39-22).

Sa Cleveland, bumanat si De’Andre Hunter ng 32 points kasama ang go-ahead 3-pointer sa huling 30 segundo sa overtime sa 133-129 paglusot ng Cavaliers (50-10) sa Portland Trail Blazers (27-34).

Sa San Antonio, nagpasabog si Jalen Williams ng career-high 41 points habang may 31 markers si Shai Gilgeous-Alexander sa 146-132 panalo ng Oklahoma City Thunder (49-11) sa Spurs (25-34).

Other News
  • Aby Marano nagretiro na sa paglalaro

    Tuluyan ng nagretiro sa paglalaro sa national volleyball team si Aby Marano.   Sa kaniyang social media account ay inanunsiyo ng 30-anyos na dating De La Salle Lady Spiker ang tuluyan nitong pagreretiro.   Pinasalamatan nito ang kaniyang mga nakasama sa koponan at mga fans na sumubaybay sa kanilang laban.   Taong 2018 ng maging […]

  • Sara nanguna sa presidential, Duterte sa VP – survey

    Si Davao City Mayor Sara Duterte ang napipisil ng mayorya ng mga Pinoy na maging susunod sa pangulo ng bansa sa nalalapit na May 2022 elections habang si Pangulong Rodrigo Duterte naman sa pagka-bise presidente.     Base sa resulta ng Pulse Asia survey na inilabas kahapon, 28% ng mga Pinoy adults ang boboto kay […]

  • ‘Di pa rin nagpa-follow back sa IG account nila: TOM, balitang muling nanliligaw kay CARLA kaya posibleng magkabalikan

    MARAMING netizens at fans ng Kapuso couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana ang naghihintay pa rin kung ano ang totoo sa pananahimik nilang dalawa sa issue na naghiwalay na sila.      Ayaw na ba nila talagang buksan or i-follow ang kani-kanilang Instagram accounts para naman malaman ng fans nila kung may aasahan […]