• July 17, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Door-to-door pantry inirekomenda

Suportado ng Phi­lippine National Police (PNP) ang panukalang ihatid na lamang sa mga bahay ng pantry organi­zers ang kanilang mga donated goods upang hindi na maglabasan pa ang mga tao partikular ng mga senior citizens at makaiwas sa virus ng COVID-19.

 

 

Ayon kay PNP spokesman Brig. Gen. Ronaldo Olay, ang lahat ng pag-ii­ngat ay kailangang gawin ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan at ng bawat sibilyan upang hindi na kumalat pa ang virus.

 

 

Sinabi ni Olay na han­dang magbigay ng seguridad ang pulis sa pagdadala ng mga pa­ngangailangan ng mga Filipino. Hindi na kaila­ngan pang pumila  sa mga community pantry at iwas aksidente.

 

 

“Maganda rin yung suggestion na yan na i-bahay-bahay na lang para hindi na maglabasan ang mga tao sa daan,” ani Olay.

 

 

Binigyan-diin din ni Olay na pabor din sila sa suhestiyon na payagan ang mga kamag-anak ng mga senior citizens na kuhanin ang mga basic goods sa community pantries dahil hindi pa rin pinapayagan na lumabas ang mga nasa 18-anyos pababa at 65- anyos pataas.

 

 

“Tama ‘yan nasa MECQ pa rin tayo at batay sa pa­nuntunan ng IATF, ang mga 18 years old o mas bata, 65 years old o mas matanda hindi muna lalabas sa ta­hanan,” dagdag pa ni Olay.

 

 

Samantala, sinabi ni Olay na dapat na tiyakin ng mga pantry organizers na may koordinasyon ang kanilang community pantry sa mga local government units.

 

 

Aniya, dapat na maging aral ang nangyaring  insidente sa isinagawang community pantry ng actres na si Angel Locsin. Humingi na ng paumanhin ang aktres sa nasabing pangyayari. (Gene Adsuara)