• January 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOT pinutol ang kontrata sa ad firm na gumamit ng ‘stock footage’

KINANSELA na ng Department of Tourism (DOT) ang kontrata nito sa advertising company na DDB Philippines na nasa likod ng inilabas na campaign video sa turismo ng bansa na “Love The Philippines.”

 

 

Nag-ugat ito sa pag-amin mismo ng ahensya na gumamit ng “stock footage” sa audiovisual presentation nito sa bagong promotional video na pinuna ng blogger na si Sass Sasot kung saan mapapanood ang ilang eksena na hindi kinuha sa Pilipinas kundi sa ibang bansa.

 

 

Kabilang sa tinukoy ang kuha umano sa rice terraces sa Bali, Indonesia; isang mangingisdang naghahagis ng lambat sa Thailand; isang pampasaherong eroplano sa Zurich, Switzerland; tumatalon na mga dolphin; at isang taong nagmamaneho ng sasakyan sa mga buhangin sa Dubai, United Arab Emirates.

 

 

Sa isang pahayag nitong Lunes, sinabi ng DOT na nilabag ng DDB Philippines ang ilang mga tuntunin sa ilalim ng kontrata ng campaign branding sa turismo kabilang ang paggamit ng mga orihinal na materyales para sa promotional video.

 

 

“As DDB Philippines has publicly apologized, taken full responsibi­lity, and admitted in no uncertain terms, that non-original materials were used in their AVP, reflecting an abject failure to comply with their obligation/s under the contract and a direct contravention with the DOT’s objectives for the enhanced tourism branding, the DOT hereby exercises its right to proceed with termination proceedings against its contract with DDB,” saad sa isang pahayag ng DOT.

 

 

“The DOT shall exer­cise its right to forfeit performance security as a result of default in obligations under the contract, as well to review standards of performance or lack thereof vis-a-vis any claims for payment and/or any other engagement,”dagdag pa nito.

 

 

Nitong Linggo, Hulyo 2, 2023 nang humingi ng paumanhin ang nasabing ad agency sa DOT sa pag-amin na ginamit nila ang non-original stock footage sa campaign video, isang araw matapos iutos ng DOT ang imbestigasyon sa kinukuwestiyong video. (Daris Jose)

Other News
  • Perfect influencer para sa global reach ng Beautederm: JERALDINE, kinilig nang i-follow ni DOMINIC kaya nag-follow back

    IPINAKILALA na ng founder ng Beautéderm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan ang kanilang newest endorser noong May 22 sa Beautéderm Headquarters sa Angeles City Pampanga, wala iba kundi si Jeraldine Blackman. Ayon kay Ms. Rei, na nagsimula sa beauty industry noong 2009, makatutulong ang collaboration na ito sa pagpapalawak ng reach ng Beautéderm, dahil na rin sa global influence […]

  • Mga Pinoy sa cruise ship na nagpositibo sa COVID-19, umakyat pa sa 41 – DOH

    Pumalo na sa 41 ang bilang ng mga Pilipinong sakay ng naka-quarantine na MV Diamond Princess cruise ship sa Yokohama, Japan ang nagpositibo sa coronavirus (COVID-19).   Anim pang Pinoy ang nakumpirmang positibo sa sakit nitong Miyerkoles, ayon sa Department of Health. Pawang mga crew member umano ang dinapuan ng virus.   Kaugnay nito, inaayos […]

  • EJ Obiena target na gumawa ng panibagong record sa susunod na taon

    HINDI nawawalan ng pag-asa si Pinoy pole vaulter EJ Obiena na makamit ang mga target na record para sa sarili.     Sinabi nito na kapag tuluyan ng itong gumaling mula sa kaniyang injury sa likod ay handa na nitong mahgitan ang kaniyang 6.00 meters na record.     Ang nasabing record kasi ay kaniyang […]