• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr: Aviation officials, mananagot sa nangyaring kaguluhan sa NAIA

NAGBABALA si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na mananagot ang sino man na mga aviation officials sa nangyaring air traffic management system breakdown na siyang naging sanhi nang paghinto ng operasyon ng mga airlines sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong nakaraang Bagong Taon.

 

 

“The DOTr will hold accountable each and every person responsible for the loss of communication and power at the Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) that led to the fiasco at the Ninoy Aquino International Airport. Once we find out who the negligent persons are, who caused this problem to happen, they will be held accountable,” wika ni Bautista.

 

 

Habang bumalik na sa normal ang operasyon sa NAIA, nagbigay naman ng assurance si Bautista na ginagawa nila ang lahat upang hindi na mangyari ang ganitong pangyayari kung saan na kansela at naantala ang mga daang flights at naapektuhan ang 56,000 na mga stranded na pasahero.

 

 

Ayon sa kanya, ang nasabing equipment ay sinusuring mabuti kung dapat na itong palitan o di kaya magkaroon ng upgrading ang traffic management system sa CAAP.

 

 

Sa ngayon ay gusto ni Bautista na magkaroon ng upgrading ang electrical equipment sa CAAP upang masigurado na hindi na talagang mangyayari ang nakaraang insidente.

 

 

Nagbigay naman ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa DOTr ng kanilang tulong upang maging madali ang pagbili ng mga kailangan kagamitan sa CAAP upang tumaas ang efficiency ng CAAP sa pag- handle ng air traffic nito.

 

 

Samantala, ang National Security Adviser nasi Clarita Carlos naman ay nagsabi sa pamahalaan na dapat na ipahayag na ang communications at electrical facilities ng CAAP ay mahalaga sa pagbibigay ng proteksyon sa ating national security.

 

 

Sa pamamagitan ng ganitong declaration, ang CAAP ay magkakaroon ng mabilis na paraan upang mabigyan ng priority ang upgrading na kailangan.

 

 

Sinabi naman ng CAAP na walang posibilidad na ang management system ay inatake sapagkat ang mga electrical ports ay hindi kayang manipulahin sa labas ng CAAP.

 

 

Nangako naman ang CAAP sa mga security officials na kanilang ipasusuri sa mga cyber security experts ang mga pangyayari.

 

 

Kung kaya’t noong nakaraang pagpupulong na ginawa ng mga top-level officials ng DOTr kasama ang mga representatives ng DICT, Department of National Defense (DND), National Intelligence Coordination Agency (NICA), at Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines ay napagkasunduan na magkaroon ng upgrading ng mga existing facilities at upang magkaroon ng immediate replacement ng mga nasirang equipment. LASACMAR    

Other News
  • Naka-graduate na bilang reservist ng Philippine Navy: GENEVA, pinatulan ang nagsabi nang umarte ng tama sa edad at ‘feeling sikat’

    MEDYO nanibago si Kapuso actor Ken Chan ngayong ginagawa niya ang romantic-comedy series ng GMA Telebabad, ang Mano Po Legacy: Her Big Boss.           “Nasanay na yata ako sa mga drama series, after ng last romantic-comedy series na ginagawa ko noon, ang ‘Meant To Be’ with Barbie Forteza,” kuwento ni Ken sa virtual […]

  • Sa estado ng kanilang relasyon… MARCO, umaming nasa halfway na sila ni HEAVEN

    TINANONG si Marco Gallo, since ang pelikula nila ni Heaven Peralejo ay ‘Men Are From QC, Women Are From Alabang’, kung nasaan na ang relasyon nila ni Heaven kung lugar ang pagbabasehan.     “Tingin ko, nasa Ortigas na tayo,” pakli ni Marco.     Dagdag pa ni Marco…     “We’re halfway na.   […]

  • Lakers nasilat ng Spurs, LeBron ‘di nakalaro namamaga ang paa

    NABIGONG makapaglaro si LeBron James sa laban ng Los Angeles Lakers kontra sa San Antonio Spurs.     Aminado ang coaching staff ng Lakers, apektado ang kanilang beteranong superstar sa heavy load nitong nakalipas na mga araw.     Kung maalala sa huling laro ng 37-anyos na si LeBron, nagtala ito ng record breaking na […]