• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr, CAAP walang obligasyon na i-compensate mga pasahero sa NAIA shutdown – Sec. Bautista

NILINAW ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na walang contractual obligation ang DOTr at ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na bigyan ng kumpensasyon o refund ang mga pasaherong apektado ng ilang oras na shutdown sa Philippine airspace na dulot ng aberya sa suplay ng kuryente noong Bagong Taon.

 

 

Ang pahayag ay ginawa ni Bautista kasunod na rin ng panawagan ni Albay Rep. Joey Salceda sa pamahalaan, partikular na sa CAAP, na i-compensate ang libu-libong pasahero na hindi nakabiyahe dahil sa power outage sa air traffic management system ng bansa.

 

 

Ayon kay Bautista, kailangang pag-aralang mabuti ang legalidad nang pag-compensate sa mga air travelers na naapektuhan ng airspace shutdown.

 

 

“Dapat pag-aralan natin ang legality nito ano,” pahayag pa ni Bautista, sa panayam..

 

 

“Unang una, ‘yung CAAP at saka DOTr wala kaming arrangement with the passengers, ‘di katulad ng airlines. Bumili sila ng ticket, merong obligation ang mga airlines na ilipad sila o i-refund ang kanilang pamasahe,” paliwanag pa niya.

 

 

Idinagdag naman ni Bautista na kahit hindi contractually obliged ang pamahalaan na i-compensate ang mga pasahero, maaari aniyang morally obligated naman ang DOTr at CAAP.

 

 

“Pero ang legality nito dapat pag-aralan mabuti dahil, ako hindi naman abogado, pero sa pagkakaintindi ko walang contractual obligation between the passengers and DOTr or CAAP,” aniya pa. “Dapat pag-aralan mabuti ng ating mga abogado para ano ba ‘yung dapat ­maging sagot ng ­gobyerno.” (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Dapat nga bang palitan angPangalan ng NAIA at gawing ‘Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas’?

    Dadaan pa sa mahabang proseso ang panukala ni presidential son at Davao City Rep. Paolo Duterte na baguhin ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).   Una nang naghain ng panukala sa Kamara ang eldest son ng Pangulong Duterte, kasama sina Rep. Lord Allan Jay Velasco (Marinduque) at Rep. Eric Go Yap (ACT-CIS) ng […]

  • Pinas, nasa ‘normal footing’ na sa gitna ng pagbaba ng Covid-19-PBBM

    SINABI ni Pangulong  Ferdinand R Marcos Jr. na nasa “normal footing” na ang Pilipinas bago pa ideklara ng World Health Organization (WHO) na  nagtapos na ang emergency phase ng  coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.     Sinabi ng Pangulo na wala siyang nakikitang dahilan para ibalik ang emergency status lalo pa’t bumaba na ang kaso […]

  • MUSIC, COSTUME DESIGN OF “BABYLON” TAKE SPOTLIGHT IN NEW FEATURETTES

    PARAMOUNT Pictures has just shared behind-the-scenes featurettes about the costume design and original score of the eagerly anticipated Babylon, in theaters across the Philippines starting February 1st.        Step into the wardrobe of Babylon with costume designer Mary Zophres, and listen to a score for the ages from Academy Award winner Justin Hurwitz, composer of the original […]