DOTr: Consultancy contract ng Mindanao Railway nilagdaan
- Published on November 9, 2021
- by @peoplesbalita
Nilagdaan sa pagitan ng Department of Transportation (DOTr) at ang consortium ng China Railway Design Corp and Guangzhou Wanan Construction Supervision Co. Ltd. ang project management consultancy contract na siyang unang bahagi ng Mindanao railway project.
“The DOTr is now bringing the Mindanao rail project to life and will very soon be providing a reliable, convenient and fast railway connection to the millions of residents in Mindanao,” wika ng DOTr.
Ang Mindanao rail project ay isang China-funded na inprastruktura na siyang kauna-unahang train system sa labas ng Luzon.
Ang unang bahagi ng malawak na Mindanao project ay ang Tagum-Davao-Digos segment na mayroon na 100 kilometro na siyang magdudugtong sa lungsod ng Tagum sa Davao del Norte, lungsod ng Davao at Digos sa Davao del Sur. Magkakaron ito ng walang estasyon sa kanyang alignment.
Magkakaron din ito ng depot sa lungsod ng Tagum para sa heavy maintenance at satellite depot sa lungsod naman ng Davao para sa mga light maintenance.
Inaasahang magkakaron ng partial operation ang unang segment sa March ng darating na taon at magkakaron naman ng full operation sa June 2023.
Kapag natapos na ang nasabing Mindanao railway, ito ay maaring makapagsasakay ng 122,000 na pasahero sa taong 2022 at makakatulong upang mabawasan ang travel time at magiging isang (1) oras na lamang mula sa dating tatlong (3) oras.
“China Railway Design Corp. or DRDC, being the project management consultant for the first phase of the Mindanao rail project, shall assist the Mindanao railway project management office in the preparation and management of the overall implementation program,” sabi ni DOTr assec Eymard Eje ng project implementation ng Mindanao cluster.
Kasama sa mga gagawin ay ang acquisition activities, coordination sa mag iba’t ibang sangay ng pamahalaan na may pangangasiwa sa mga design at works ng proyekto, paghahanda at pagsusumite sa project management office ng cost estimates para sa project budget proposal, at ang mga kailangan updates at review ng mga detailed design ng proyekto.
Sinabi ng DOTr na ang 1,544-kilometer na Mindanao railway project ay isa sa mga big-ticket infrastructure na proyekto sa ilalim ng Build Build Build programa ng pamahalaan na naglalayon na makatulong upang mas mapaganda ang inter-island connectivity at upang makapagbigay ng ikabubuhay sa mga mamayan at makatulong din upang isulong ang pagunlad ng ekonomoya sa Mindanao. LASACMAR
-
Dumbledore’s First Army Reveals in ‘Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore’ Featurette
‘Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore’ just revealed a featurette about Dumbledore’s First Army, along with character posters of the magical group! Get an inside look into the making of ‘Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore‘ with a newly-released featurette about Dumbledore’s First Army. The launch coincided with the reveal of solo posters […]
-
12 migrants patay dahil sa malamig na panahon
PATAY ang 12 migrants matapos na hindi nakayanan ang lamig ng panahon sa border ng Turkey at Greece. Dahil dito ay inakusahan ng Turkey ang Greece na sila ang may kasalanan sa pagkamatay ng mga migrant matapos na hinayaan nila silang itaboy at hindi papasukin sa kanilang bansa. Mariing pinabulaanan ng […]
-
ACN Philippines, umaapela ng suporta sa “One million children praying the rosary”
INAANYAYAHAN ng sangay ng pontifical foundation ng Vatican sa bansa na Aid to the Church in Need-Philippines (ACN) ang mamamayan na makibahagi sa One Million Children Praying the Rosary Campaign sa ika-18 ng Oktubre, 2024. Ayon kay ACN – Philippines Chairperson, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, iaalay ang sabay-sabay na pananalangin ng mga kabataan […]