• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr, handa sa dagsa ng biyahero sa Undas

TINIYAK  ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na handa na ang sektor ng transportasyon sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero na uuwi sa kani-kanilang probinsiya sa Undas.

 

 

Ayon kay Bautista, pina­lawak na nila ang air, land, at sea travel units upang ma-accommodate ang bilang ng mga pasahero na inaasahang bibiyahe sa Undas.

 

 

Ani Bautista, ang mga paliparan ay naghanda na ng mas maraming flights, gayundin ang land transportation, na magpapabiyahe ng mas maraming bus at mga jeepney.

 

 

Ang mga barko aniya, lalo na ang mula sa Batangas patungong Mindoro at iba pang destinasyon sa South Luzon, ay naghanda na rin ng suporta para sa pangangailangan ng mga mananakay sa Undas.

 

 

Maglulunsad na rin aniya ngayong linggong ito ang mga travel ports ng kanilang taunang “Oplan Biyaheng Ayos” para sa pagkakaloob ng tulong na maaaring kailanganin ng mga biyahero.

 

 

Una na rin namang nagkaloob ng special permits sa mga karagdagang bus ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) para mas maraming pasahero ang mapagsilbihan sa nasabing okasyon. (Daris Jose)

Other News
  • Budget, DepEd execs ginisa sa ‘overpriced’ laptops

    NAGISA ng Senado ang mga opisyal ng Department of Budget and Management (DBM) at Department of Education (DepEd) kaugnay sa pag-apruba nito sa Procurement Service (PS) ng DBM sa pagbili ng umano’y overpriced laptops.     Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, tinanong ni Sen. Ronald dela Rosa ang DepEd bakit pumayag sa pagbili […]

  • Nakatira na raw ngayon sa isang unit sa Rockwell: Dream house ni DANIEL, may nagkaka-interes na pero wala pang bayarang nagaganap

    AFTER nakitang magkasamang namili ng celphone sina Gretchen Barretto at Atong Ang, ay kay Sunshine Cruz naman iniuugnay ang negosyante.   May relasyon daw ngayon si Atong sa dating asawa ni Cesar Montano.   May mga nakakita raw na magkasama sina Sunshine at Atong sa isang non-showbiz affair.   Kumbaga, lipas na raw at lumang […]

  • Ads January 18, 2021