• May 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr: kapasidad ng mga mass transport dati pa rin ngayon ECQ

Wala nang mangyayaring pagbabawas ng kapasidad ng mga mass transport sa National Capital Region-Plus bubble sa ilalim ng isang linggong pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ).

 

 

Ito ang inihayag ng Department of Transportation (DOTr) sa isang statement na kanilang ginawa.

 

 

Ang DOTr na siyang naatasan na gumawa ng guidelines tungkol sa kapasidad at operasyon ng pampublikong transportasyon ay tiniyak na ang lahat ng klase ng transportasyon ay magiging bukas ngayon panahon ng ECQ.

 

 

Ang maximum na pinapayagan ng kapasidad sa panlansangan transportasyon ay 50 percent para sa lahat ng pampublikong sasakayan o di kaya ay kinakailangan may seating arrangement na may isang laktaw na isang upuan.

 

 

“Our PUVs cannot exceed the allowed capacity even if they have plastic barriers in between seats. This is applicable to public utility buses, UV Express, public utility jeepneys, shuttle services, tricycle, taxis and TNVS,” wika ni DOTr assistant secretary Mark Steven Pastor.

 

 

Papayagan ang transport network vehicle service (TNVS) tulad ng Grab at taxis na magkaron ng operasyon sa loob ng 24 oras upang magbigay ng serbisyo sa mga empleyadong nagtratrabaho sa gabi. Pinapayagan din ang mga Motorcycle taxis na magpatuloy ang operasyon.

 

 

Habang ang mga provincial buses naman ay papayagan na pumasok at magsakay ng mga “person outside of residence” (APOR) subalit kinakailangan na point-to-point ang trip. Ganon din sa mga backridng na pribadong motorcycle.

 

 

Sa rail sector naman, ang kapasidad ng mga trains ay mananatiling 20 percent hanggang 30 percent: 370 sa LRT1, 274 sa LRT 2, 372 sa MRT3, kada train set. Ang Philippine National Railways (PNR) naman ay 310 kada rain set.

 

 

Samantala naganunsyo ang pamunuan ng apat na rail lines na wala munang operasyon ang LRT1, LRT2, MRT3 at PNR dahil magsasagawa sila ng annual maintenance activities ngayon Semana Santa.

 

 

Ang aviation sector naman ay nagsabing hindi na kailangan na magbawas pa ng kapasidad sa air travel dahil ang volume ng mga pasahero ay kumunti na ng mga nakaraang buwan.

 

 

“The maximum international inbound capacity at the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) had been slashed by half to a maximum of 1,500 passengers per day,” ayon kay Civil Aeronautics Board (CAB) director Carmelo Arcilla.

 

 

 

Ang operasyon ng domestic commercial ay pinapayagan subalit kailangan sumunod ang mga airlines sa requirements o restrictions sa kapasidad at frequency ng flights na maaaring ipatupad ng local government units (LGUs) sa labas ng NCR Plus bubble.

 

 

 

Sa sektor ng paglalayag, mananatiling 50 percent pa rin ang kapasidad ayon kay Philippine Ports Authority (PPA) general manager Jay Santiago.

 

 

 

“Travel through maritime vessels and the ports are subject to requirements as may be imposed by LGUs where voyages originate and end,” saad ni Santiago. (LASACMAR)

Other News
  • Online Registration, pinalawig ng Comelec

    INANUNSIYO ng Commission on Elections (Comelec) na mas pinalawig pa ang online filing ng aplikasyon para sa reactivation.     Ayon sa Comelec , napagpasyahan ng Comelec en banc na palawigin ito hanggang Setyembre 25, limang araw bago ang itinakda namang deadline ng voter registration para sa 2025 midterm elections.   Ang orihinal na deadline […]

  • METRO MANILA COUNCIL IDINEKLARA ANG STATE OF CALAMITY SA NCR

    KINUMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na inirekomenda ni DILG Secretary Benhur Abalos ang pagdedeklara ng State of Calamity sa buong Metro Manila, NCR. Ito ay dahil sa matinding epekto ng super bagyong Carina na pinalakas pa ng hanging Habagat. Ginawa ni Secretary Abalos ang kanyang rekomendasyon sa pulong na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos […]

  • Fajardo papuwede na sa Abril – Austria

    INALIS ni Leovino ‘Leo’ Austria ang agam-agam ng mga Philippine Basketball Association (PBA) at Beermen fan sa pag-absent ni June Mar Fajardo sa Gilas Pilipinas para sana sa 30th International Basketball Federation (Fiba) Asia Cup 2021 Qualifiet third window sa Clark sa Pebrero 15-23.     Ginarantiyahan ng San Miguel coach na sigurado naman ang pagbabalik […]