DOTr: Libreng sakay sa mga trains extended muli hangganag Sept. 15
- Published on September 10, 2021
- by @peoplesbalita
Pinahaba muli hanggang September 15 ng Department of Transportation (DOTr) ang libreng sakay sa mga trains ng mga pasaherong fully vaccinated.
“The DOTr extended the free rides for vaccinated authorized persons outside of residence or APORs at the Metro Rail Transit Line 3 (MRT 3), Light Rail Transit Line 2 (LRT2 and the Philippine National Railways (PNR) while Metro Manila remains under modified enhanced community quarantine,” ayon sa DOTr.
Ang libreng sakay ay mangyayari lamang kapag peak hours o di kaya ay simula sa 7:00 hanggang 9:00 ng umaga at mula naman sa 5:00 hanggang 7:00 ng gabi para sa LRT 2 at MRT 3. Habang ang PNR ay magbibigay ng libreng sakay sa mga APORs mula 4:00 hanggang 6:00 ng umaga at sa hapon naman ay mula 4:00 hanggang 7: 00 ng gabi pataas. Maaari rin na sumakay ang mga pasahero na nabigyan na ng isang shot ng vaccine.
Yoong mga kualipikadong sumakay ng libre ay ang mga authorized persons outside residence (APOR) o di kaya ay ang mga may edad na 18 hanggang 65 na mayron trabaho at kinakailangan lumabas ng kanilang tahanan upang bumili ng mga kailangan pagkain at serbisyo. Kailangan din na mayron na silang kahit isa man lamang na bakuna laban sa COVID-19.
Ang mga authorized persons outside of residence tulad ng frontliners na mayron ng isang dose ng COVID-19 vaccines ay maaaring din na sumakay ng mga rails lines ng walang bayad.
Kinakailangan lamang na ipakita nila ang kanilang vaccination cards upang makasakay ng libre at walang bayad.
Mayron mga train marshals ang nakasay sa mga trains upang mahigpit na maipatupad ang mga health requirements kasama na dito ang pagsusuot ng face mask at shield, pagsunod sa distancing rules at sumusunod sa “no talking, no eating” policy upang masiguro ang kinakailangan airflow at ventilation sa loob ng mga trains.
Sinigurado naman ni Tugade na ang lahat ng mga trains ay sumasailalim sa mga disinfection pagkatapos ng isang biyahe nito.
Ang LRT 2 ay mayron 13 na estasyon simula sa Recto hanggang Antipolo. Samantala, ang MRT 3 naman ay may 13 na estasyon na nagsisimula sa Pasay hanggang North Avenue. Ang PNR naman ay 20 na estasyon. LASACMAR
-
Liksi at versatility ng Gilas susubukin
Ang versatility at fighting heart ng Gilas Pilipinas ay sinusuri habang nakikipaglaban ito sa Jordan side na nagdadala ng mas laki, lalim at motibasyon sa Huwebes (Biyernes sa Manila) FIBA World Cup Asian Qualifiers fifth window matchup sa Amman. Ang Nationals ay naglalaro sa limitadong oras ng practice na nilimitahan ng tatlong practice bilang […]
-
‘James Bond’ Producer Says Next 007 Actor Decision Will Take Time
BARBARA Broccoli, the producer of the James Bond series, admits that deciding on the next 007 actor is a significant decision and will take time. Most recently, the secret agent has been portrayed by actor Daniel Craig since 2006, beginning with Casino Royale. Craig’s portrayal of the character won him critical acclaim from fans and critics alike, […]
-
Ads July 19, 2023