• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr: Libreng sakay sa rail lines hanggang Aug. 31

Mayron patuloy na libreng sakay ang mga pasaherong nagpabakuna na laban sa COVID-19 sa mga rail lines na tatagal ng hanggang August 31.

 

 

 

Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na patuloy silang magbibigay ng libreng sakay sa mga rail lines tulad ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3), Light Rail Transit Line 2 (LRT2), at Philippine National Railways (PNR).

 

 

 

Ang libreng sakay ay mangyayari lamang kapag peak hours o di kaya ay simula sa 7:00 hanggang 9:00 ng umaga at mula naman sa 5:00 hanggang 7:00 ng gabi para sa mga light trains. Habang ang PNR ay magbibigay ng libreng sakay mula 10:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.

 

 

 

Yoong mga kualipikadong sumakay ng libre ay ang mga authorized persons outside residence (APOR) o di kaya ay ang mga may edad na 18 hanggang 65 na mayron trabaho at kinakailangan lumabas ng kanilang tahanan at bumili ng mga kailangan pagkain at serbisyo. Kailangan din na mayron na silang kahit isa man lamang na bakuna laban sa COVID-19.

 

 

 

“We would consider extending the period of the free train rides depending on changes in the quarantine status of Metro Manila and the operational requirements of the rail lines,” wika ni DOTr Secretary Arthur Tugade.

 

 

 

Ang mga pasahero ay dapat magpakita ng proof na sila ay talagang APOR at patuloy na sumusunod sa mga safety protocols at  hindi rin pinapayagan ang magsasalita at kumakain sa loob ng mga rail lines.

 

 

 

Ang mga authorized persons outside of residence tulad ng frontliners na mayron ng isang dose ng COVID-19 vaccines ay maaaring din na sumakay ng mga rails lines ng walang bayad.

 

 

 

Kinakailangan lamang na ipakita nila ang kanilang vaccination cards upang makasakay ng libre at walang bayad.

 

 

 

Mayron mga train marshals ang nakasay sa mga trains upang mahigpit na mapatupad ang mga health requirements kasama na dito ang pagsusuot ng face mask at shield, pagsunod sa distancing rules at sumusunod sa “no talking, no eating” policy upang masiguro ang kinakailangan airflow at ventilation sa loob ng mga trains.

 

 

 

Sinigurado naman ni Tugade na ang lahat ng mga trains ay sumasailalim sa mga disinfection pagkatapos ng isang biyahe nito.

 

 

 

Ang LRT 2 ay mayron 13 na estasyon simula sa Recto hanggang Antipolo. Samantala, ang MRT 3 naman ay may 13 na estasyon na nagsisimula sa Pasay hanggang North Avenue. Ang PNR naman ay 20 na estasyon.  LASACMAR

Other News
  • Drugstores, pharmacies at hospitals, kailangang maglagay ng maximum retail price sa mga gamot – DoH

    Aabot umano sa pitong milyong Pinoy ang makikinabang sa bagong pirmang Executive Order (EO) No. 104 kaugnay ng Maximum Drug Retail Price (MDRP) sa mga gamot.   Sa EO na kapipirma ni Pangulong Rodrigo Duterte, mababawasan ng halos 58 percent ang retail prices ng nasa 87 high cost medicines.   Dahil dito, agad daw mag-iisyu […]

  • Medical, nursing students, makikiisa sa vaccination efforts ng gobyerno

    SINABI ni National Task Force Against Covid-19 special adviser Dr. Teodoro Herbosa na may mga senior medical at nursing students ang makikiisa upang maging kabahagi ng Covid-19 vaccination rollout efforts ng pamahalaan bilang volunteer vaccinators.   Aniya, nakatakdang mag-sign up ang mga ito upang maging volunteer vaccinators.   Sinabi ni Herbosa na ang pagkuha ng […]

  • Kalahati ng 11 milyong plate backlog tatapusin ng LTO sa loob ng 6 buwan

    TARGET ng Land Transportation Office (LTO) na tapusin ang kalahati ng 11 milyong plate backlogs sa loob ng anim na buwan.     Ayon kay LTO  Assistant Secretary Teofilo Guadiz III  kabilang sa 11 milyong backlog ang mga plaka na dapat sana’y natapos na mula 2016.     “Ang timeline ko rito mga six months […]