• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr: Mamadaliin ang pamimigay ng P2.5 B fuel subsidy sa mga tricycle drivers

NANGAKO  ang Department of Transportation (DOTr) sa pamumuno ni Secretary Jaime Bautista na sa lalong panahon ay maibigay ang P2.5 billion na fuel subsidy sa mga libo-libong tricycle drivers sa buong bansa.

 

 

Naganap ang pangako matapos ang matinding pagpapalitan ng debate sa nakaraang confirmation ni DOTr Secretary Bautista sa Commission on Appointments (CA).

 

 

Hinihingi ni Senator Alan Peter Cayateno kay Bautista na madaliin ang pagbibigay ng subsidies sa mga tricycle drivers kung saan napagkasunduan na tutulong ang una sa pamimigay ng nasabing fuel subsidies.

 

 

“Tricycle drivers are among the hardest hit by the economic downturn. Most of them are the sole breadwinners of their families, and yet they are the ones neglected. I have discussed it with Secretary Bautista on how the subsidies could be implemented more quickly in order to benefit the tricycle driver sector which is still reeling from high fuel prices, inflation, and the still ongoing pandemic,” wika ni Cayetano.

 

 

Ayon naman kay Bautista na pumapayag siya na ang pamimigay ng fuel subsidies ay padaanin sa mga local government units (LGUs) sapagkat sila ang may kapasidad na mamigay ng mga assistance. Ang mga LGUs rin ang may hawak ng mga listahan ng qualified na mga tricycle drivers sa kanilanglugar.

 

 

Sinabi naman ni Cayetano na may 6,000  na mga tricycle drivers ang nakatanggap lamang ng fuel subsidies samantalang may humigit kumulang na 600,000 ang bilang ng mga ito sa buong bansa. Masyadong maliit lamang ang bilang ng nakatanggap na kumpara sa mga qualified na tricycle drivers na nakatala sa listahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

 

 

“The delays were due to the unavailability of master lists of registered tricycle drivers in some LGUs,” saad ni Bautista.

 

 

Wika naman ni Cayetano na ang mga samahan ng mga iba’t ibang tricycle operators at drivers o mga TODA sa bansa ay maaaring makatulong upang maibigay ang subsidy sa kanilang mga miyembro.

 

 

Dagdag pa ni Cayetano na ang mga samahan ng mga transport groups ay siyang pinaka-organized sa bansa at may kumpletong listahan ng kanilang mga hanay. LASACMAR

Other News
  • PAOLO, matapang na tinanggap ang hamon ng nudity at frontal exposure sa launching movie na ‘Lockdown’

    NAG–TRENDING sa Twitter ang trailer ng Revirginized, ang upcoming movie ni Megastar Sharon Cuneta, under the direction of Darryl Yap.     Lumabas ang trailer last Sunday and for sure, marami ang na-curious dito kaya nag-trending. Nang unang lumabas ang balita na may gagawin movie si Sharon with Daryl Yap ay marami ang nagulat, especially […]

  • Ads January 6, 2020

  • Pasabog ang teaser ng ‘The Cheating Game’: JULIE ANNE, kitang-kita ang versatility bilang aktres kaya pinupuri

    PASABOG ang teaser ng ‘The Cheating Game’!     Umani nga ng mga positibong komento ang teaser ng pelikula ng GMA Public Affairs at GMA Pictures na pagbibidahan nina Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose at Total Heartthrob and Performer Rayver Cruz.     Nitong Miyerkules (June 28) ito napanood on air at online. […]