• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr may plano na kumuha ng solicited proposals ng NAIA rehab

MAY PLANO ang Department of Transportation (DOTr) na isulong ang kanilang plano na kumuha ng mga solicited proposals para sa rehabilitation ng Ninoy Aquino International  Airport (NAIA).

 

 

Inaasahan ng DOTr na makapagbibigay ng rekomendasyon ang Asian Development Bank (ADB) para sa rehabilitation ng NAIA ngayon darating na June.

 

 

Ang nasabing rekomendasyon ay gagamitin ng DOTr upang gumawa ng draft para sa terms of reference (TOR) na gagamitin sa solicited proposals ng operasyon at maintenance ng NAIA.

 

 

Noong nakaraang March, ang Manila International Airport Consortium (MIAC) ay nagbigay ng unsolicited proposal upang mag rehabilitate ng NAIA kung saan naglalayon ang consortium na doblehin ang passenger capacity nito sa 62.5 miilion kada taon.

 

 

Ang nasabing consortium ay binubuo ng anim (6) na infrastructure developers na ang may-ari ay ang mga pinakamayaman na mga tycoons sa Philippines.

 

 

“The DOTr will study the unsolicited proposal filed by the Manila International Airport Consortium (MIAC) to invest P100 billion for the modernization of NAIA. At present, the agency is checking whether the offer complied with all the required documents. The initial study is to have a solicited proposal. That is the reason we engaged ADB, for us to be able to entertain a solicited proposal. Since, there is the unsolicited proposal, we have to work on it. We are given 35 days to do the completion check and that is what we are doing,” wika ni DOTr Secretary Jaime Bautista.

 

 

Sinabi rin ni Bautista na may plano sila na gamitin ang rekomendasyon ng ADB sa pag assess ng proposal ng MIAC dahil walang kasiguraduan na ang offer ay mabibigyan ng approval kahit na may proposed na budget na nagkakahalaga ng P100 billion.

 

 

Kapap pinagpatuloy ang plano ng DOTr na gawing solicited bidding, ang mga proponents ay kinakailangan magkaron ng calibration ng cost at design ng kanilang proposal based sa TOR na ginawa ng pamahalaan.

 

 

Ang ADB ay nakikipag trabaho sa DOTr upang ihanda ang mga technical studies tulad ng market sounding at traffic report na siyang magsisilbing framework sa paggawa ng TOR para sa privatization ng NAIA.

 

 

Ang NAIA ay siyang pinaka abalang airport sa Philippines na may passenger capacity na 31 million kada taon. Noong 2019, ang nasabing gateway ay nakapagtala ng paglalakbay ng 48 million na visitors kung kaya’t kailangan na itong sumailalim sa expansion at upgrade upang mabigyan ng magandang serbisyo ang tumataas na bilang ng mga pasahero.

 

 

Samantala, ang grupo ni businessman Manuel Pangalinan na may control sa Manila Electric Co. ay nagbigay ng offer sa DOTr upang sila ang gumawa ng electrical audit sa NAIA na walang bayad.  LASACMAR

Other News
  • WHO nagbabala sa mga hindi bakunado ang matinding epekto ng Omicron

    BINALAAN ng World Health Organization (WHO) ang mga mamamayan na magpaturok na ng COVID-19 vaccine.     Ito ay dahil sa nagigign delikado ang omicron variant ng COVID-19 sa mga hindi pa nababakunahan ng COVID-19.     Sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, na nagiging mas mahina ang omicron kaysa sa delta variant subalit […]

  • Ospital sa Metro Manila lumuwag na sa COVID-19 patients

    Patuloy ang pagluwag ng ‘hospital occupancy’ para sa mga pasyente ng COVID-19 sa Metro Manila kasabay ng unti-unting pagbaba ng mga bagong kaso kada araw.     Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na bumaba na sa 48% ang utilization rate ng mga pagamutan makaraang pumalo ito sa ‘high risk’ noong nakaraang Marso at […]

  • FDA: 24 naturukan ng COVID-19 vaccine namatay pero ‘di pa dahil sa bakuna

    Dalawang dosena na ang namamatay matapos maineksyunan laban sa coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas — pero wala pa rito ang napatutunayang idinulot dahil mismo sa bakuna.     Ito ang ibinahagi ni Food and Drug Administration (FDA) director general Eric Domingo habang inuulat ang updates sa mga “adverse event following immunization” o side-effects ng bakuna […]