DOTR: Mga nawalan ng trabaho na OFWs, drivers bibigyan ng trabaho
- Published on June 3, 2021
- by @peoplesbalita
Binibigyan ng pagkakataon ng Department of Transportation (DOTr) ang mga drivers, conductors at overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho ngayon panahon ng pandemya ang magtrabaho sa mga proyekto ng pamahalaan tulad ng DOTr.
Nanawagan si DOTr Secretary Arthur Tugade sa mga nawalan ng trabaho ngayon pandemya tulad ng drivers, conductor at OFWs na mag apply sa transportation sector tulad ng DOTr.
“I want jobless OFWs and workers in the transportation sector to be hired by the DOTr projects,” wika ni Tugade.
Binigyan ni Tugade ng tagubilin ang mga kontraktor ng mga proyekto sa DOTr na bigyan muna ng pansin ang pagbibigay ng trabaho sa mga taong nawalan ng trabaho lalo na yoon mga qualified naman.
“If you know jeepney drivers and bus conductors who want to make a living, if they are qualified, we will give them jobs,” saad ni Tugade.
Isa sa mga proyekto ng DOTr ang nagbibigay ng pagkakataon sa mga nawalan ng trabaho ay ang North-South Commuter Railway (NSCR). Ito ay ang 148-kilometer proyekcto sa rail sector.
Ayon kay Tugade mayron 200 na dating OFWs ang nabigyan ng trabaho sa proyektong National Railways Clark Phase 1 na siyang unang bahagi ng NSCR.
Dagdag pa ni Tugade na may mahigit na 7,500 na mga mangagawa pa ang kanilang mabibigyan ng trabaho para sa ginagawang konstruksyon habang magkakaron pa ng karagdagang 2,000 na trabaho ang magiging kailangan kung ito ay tapos na.
Ang pandemya ay nakaapekto sa mga kinabubuhay ng mga nagtrarabaho sa transport sector dahil sa pinatutupad na travel restrictions at capacity limitations na pinaiiral ng pamahalaan upang hindi kumalat ang COVID 19.
Maraming mga kumpanya rin ang nagsara kung kayat nabawasan ang workforce habang ang iba naman industria ay tuluyan ng nagsara.
Ang North-South Commuter Railway (NSCR) Project o PNR Clark Phase 1 Project ay binigyan ng pondo mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA). Ang proyektong ito ay ang 38-kilometer railway na magdudugtong sa Tutuban Station sa Manila papuntang Malolos, Bulacan. Nilagdaan ang kontrata noong November 2015.
Magkakaron ito ng sampung (10) stations simula sa lungsod ng Manila, Caloocan, Valenzuela, Meycauayan at Malolos at bayan ng Marilao, Bocaue, Balagtas at Guiguinto sa Bulacan.
Samantala, sa ilalim naman ng programang DOTr-Joyride, may mahigit na 500 drivers ang nabigyan ng trabaho bilang mga taxi bikers at Happy Move delivery riders. Sila ang mga drivers at conductors na nawalan din ng trabaho sa land transport sector. (LASACMAR)