DOTr: MRT 3 magkakaroon na ng four-car train sets
- Published on February 18, 2025
- by @peoplesbalita
INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na magkakaroon na ng four-car train sets ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT) dahil sa tumataas na bilang ng mga pasahero.
Dadagdagan ng isang (1) bagon ang three-car trains na tumatakbo ngayon sa darating the June pagkatapos ang ginagawang rehabilitasyon ng pasilidad upang mapagkasya ang four-train configuration.
“Come June, the extension of the Taft (Avenue station) pocket track will be completed in preparation for the deployment of four-car train sets in our rail line. A turnback facility capable of accommodating a four-car MRT 3 train set is being constructed by Japanese maintenance contractor Sumitomo at the North Avenue station,” wika ni MRT general manager Oscar Bongon.
Ang Sumitomo rin ang namamahala sa pag-aayos ng rail tracks, signaling system at catenary system na siyang nagbibigay ng electricity sa mga bagon. Magkakaron ng testing ang mga bagon sa ginawang linya.
Makapagsasakay ang isang three-car MRT 3 set ng 1,182 na pasahero habang ang four-car train set naman ay makapagsasakay ng 1,576 na mga tao. Sa ngayon, ang MRT 3 ay mayroon 18 hanggang 20 three-car train sets. Ang bilang ng mga tumatakbo ay 12 hanggang 14 lamang.
Noong nakaraang Linggo ay sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Romando Artes na ang MRT ay may plano na magdagdag ng isang bagon sa MRT’s three-car set dahil sa planong pagtatanggal ng EDSA busway kung saan dumadaan ang EDSA Carousel buses.
Subalit ang nasabing mungkahi ay hindi gusto ng mga iba’t ibang sektor sa transportasyon lalo na ang mga pasahero at grupo ng mga negosyante sa bansa sa Metro Manila.
Habang ang DOTr na siyang namamahala sa MRT 3 ay nagpahayag naman na hindi aalisin ang EDSA busway.
Taong 2022 ng ginamit ang unang four-car train sets sa kahabaan ng EDSA subalit tuwing rush hour lamang ito tumatakbo at may operasyon.
“The expansion of train capacity is part of a two-year rehabilitation program for the rail system, which also involves refurbishing 72 light rail vehicles,” saad ni DOTr Secretary Jaime Bautista.
Samantala, ang Metro Manila Subway Project (MMSP) naman ay nahaharap sa problema tungkol sa right-of-way kung kayat nagkakaroon ng pagkabalam sa pagtatayo nito.
Dahil dito ay nanawagan sa pamahalaan ang Management Association of the Philippines (MAP) na iresolba sa lalong madaling panahon ang nasabing problema sa right-of-way (ROW).
Ayon kay MAP chairman Eduardo Yap na ang P488 billion na subway ay siyang kaunaunahang underground mass transit system na siyang makapagbabago sa takbo ng trapiko sa Metro Manila sapagkat maiengganyo ang mga pasahero na sumakay dito at mahihikayat din ang mga negosyante na magtayo ng negosyo sa bansa.
Ang problema sa right-of-way ay siyang nagiging sanhi ng pagkabalam ng konstruksyon lalo na sa lungsod ng Pasig at dahil dito inaasahan na hindi matatapos ang nasabing proyekto sa 2028 na siyang target ng completion nito.
Hiniling din ni Yap na sana ay mabigyan ang DOTr ng full authority upang maresolba ang problema dahil kung matatagalan pa ang completion ng proyekto ay magkakaroon rin ng setbacks sa programa ng pahamalaan.
“The MMSP is backed by Japanese funding, is a key project in the government’s infrastructure program aimed at improving mobility in the capital, where traffic congestion costs the economy billions of pesos annually,” dagdag ni Bautista. LASACMAR
-
Batas vs red tagging
Kaisa si House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa panukala ni Senador Panfilo Lacson na gawing krimen ang red-tagging. “I agree with Sen.Lacson in criminalizing red-tagging, in particular for government officials and employees who use government funds and resources to vilify and attack progressives, artists, critics of the administration, […]
-
Flood control project ng MMDA nakumpleto na
NATAPOS na ngayong taon ang kabuuang proyekto sa flood control ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na una nang binanggit ng Commission on Audit (COA) na naantala noong 2021. Ipinaliwanag ni Engineer Baltazar Melgar, pinuno ng MMDA Flood Control and Sewerage Management Office (FCSMO), at kasalukuyang officer-in-charge ng MMDA, ang naka-program na 59 […]
-
Movies na kasama sina Sharon at Coco, malabo pa: Sen. BONG, sisimulan na ang ‘Alyas Pogi 4’ at planong isali sa MMFF
NAGKAROON kami ng pagkakataon na makausap at magpasalamat na rin sa aktor at politician na si Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. Pinasyalan namin ang aktor, producer, politician sa kanyang opisina sa senado kasama ang mga opisyales ng Philippine Movie Press Club. Siyempre pinasalamatan agad namin si Sen. Bong sa dahil sa maagang pagpaşa at pirmado […]