DOTr nag award ng tatlong contracts para sa PNR Phase 2 Project
- Published on October 7, 2020
- by @peoplesbalita
NAG-AWARD ng tatlong natitira pa na contracts para sa civil works ang Department of Transportation (DOTr) at Philippine National Railways (PNR) na laan sa Clark Phase 2 project o ang Malolos- Clark extension ng North-South Commuter Railway System.
Ang tatlong (3) contract packages ang siyang nagkumpleto sa limang (5) civil works packages ng PNR Clark Phase 2 project. Nilagdaan ang contacts para sa Packages N-04 at N-05 noong August 1, 2020.
“Last month, we were full of enthusiasm as the first contracts of the PNR Clark Phase 2 were signed despite the pandemic. It is our way of saying that the Build, Build, Build continues. And now, the five con- tract packages are complete,” wika ni DOTr Secretary Arthur Tugade.
Ayon kay Tugade hindi lang tuloy kung hindi tuloy na tuloy na, buhay na buhay na at masasabi nating walang makakapigil sa adhikain at proyektong magbibigay ng comfort and convenience sa mga kababayan.
Ang Contract Package N-01 na may 17 kilometers na elevated rail viaduct, seven (7) balanced cantilever bridges, at two (2) station buildings sa bayan ng Malolos at Calumpit at sa bayan ng Apalit at Minalin sa Pampanga ay mayron nang notice of award.
Sa Joint Venture of Hyundai Engineering & Construction Co.,Ltd, Megawide Construction Corporation, at Dong-ah Geological Engineering Company Ltd nabigay ang notice of award para sa Contract Package N-01.
Para naman sa Contaract Package N-02 na may 16 kilometers na elevated viaduct at one (1) station building sa bayan ng Minalin, Sto. Tomas, at San Fernando, Pampanga ay na-award sa Joint Venture ng Acciona Construction Philippines and Daelim Industrial Co. Ltd.
Ang Contract Package N-03 na may 12 kilometers na elevated viaduct at isang (1) station building sa bayan ng San Fernando, Angles, at Mabalacat sa Pampanga ay na award sa Italian-Thai Development Public Company Ltd.
“What we see here is the coming together of an impressive league of the biggest and the best players in the construction industry here and abroad, funded by the Asia Development Bank with its largest- ever financing package for a single project, to build the Philippine government’s single largest project in history,” sabi ni DOTr undersecretary for Railways Timothy John Batan.
Samantala, ang PNR Clark Phase 2 naman ay tuloy tuloy Din ang construction ayon kay PNR General Manager Junn Magno.
“As of August, the (PNR Clark) Malolos-Clark segment has an over- al progress rate of over 26%. It seems to quite catch-up with PNR Clark Phase 1 o yong Tutuban to Malolos segment with over 40%. We remain hopeful and we keep exerting not just duble but triple effort to fast-track this project and at least make it partially operable before the end of President Duterte’s term,” sabi ni GM Magno.
-
Hindi aatras ang Philippine ships sa WPS, patayin man ng China
MATAPOS kuyugin ng iba’t ibang kritisismo ang kanyang campaign promise para sa mga mangingisda sa pinagtatalunang West Philippine Sea ay “joke”, binalaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Beijing na hindi niya iaatras ang Philippine ships mula sa pinagtatalunang katubigan kahit mapatay pa siya ng China. Sa Talk To The People ni Pangulong Duterte, […]
-
Chel Diokno binansagang ‘pambansang chicken’ ang kandidatong ayaw sumipot sa debate
TINAWAG ni senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno na “pambansang chicken” ang isang kandidato na ayaw sumipot sa mga debate. Hindi man nagbanggit ng pangalan, si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. lang ang tanging kandidato sa pagkapangulo ang hindi humaharap sa debate. Tumanggi rin si Marcos sa imbitasyon na one-on-one […]
-
Nagpakitang gilas si Rivera habang ginulat ng Akari ang F2
Naghatid si Prisilla Rivera ng mala-hiyas na farewell performance para sa Akari at Filipino fans, na nagpaputok ng 32 puntos at pinangunahan ang Chargers sa pagkabigla 25-21, 22-25, 26-24, 25-22 tagumpay laban sa F2 Logistics Cargo Movers noong Martes sa 2022 PVL Reinforced Conference. Hindi lamang napigilan ng tagumpay ang pagtakbo ng F2 Logistics […]