DOTr naghahanap ng consultant na gagawa ng Davao bus transit system
- Published on June 6, 2023
- by @peoplesbalita
NAGHAHANAP ng consultant ang Department of Transportation (DOTr) na gagawa ng kauna-unahang integrated city-wide bus service na itatayo sa Davao City.
Sa isang request ng expression ng interest mula sa DOTr, hinihingan ang mga consultancy firms na mag submit ng kanilang qualifications upang silang mangasiwa sa Davao Public Transport Modernization Project (DPTMP).
Ang kukunin na consultant ay siyang mamamahala sa contract, supervision ng design at construction ng nasabing proyekto at pag monitor ng progress nito. Bibigyan ng DOTr ang consultant ng tatlong (3) taon: 22 buwan sa pag implement ng contracts; 12 na buwan para sa identifying faults; at 2 na buwan upang magkaron ng closure ang proyekto.
Magkakaroon ang DOTr ng mga shortlisted na consultants mula sa mga nag submit ng expression ng interest. Pagkatapos, ang ahensya ay gagawa ng isang competitive bidding para sa kontrata kasunod ang procurement rules na ibibigay ng Asian Development Bank na siyang financier ng DPTMP.
“The DPTMP seeks to set up the country’s first city-wide-bus based public transport that features performance-based employment and uses an integrated fare collection system. It will introduce a traffic management system in Davao City prioritizing bus services along a core network of around 110 kilometers. The core network of the project will form part of an integrated route with feeder lines stretching an additional 400 kilometers, with associated passenger terminal and bus terminal facilities,” wika ng DOTr.
Sa ilalim ng DPTMP, ang DOTr ay sisimulan ang high-priority bus system based sa four-tier structure. Ang unang tier, Metro Davao, ay idudugtong sa mga commercial centers sa palibot ng Davao City kung saan ilalagay ang backbone service na babagay sa mobility demands.
Ang ikalawang tier ay ang Davao Inter na siyang magsisilbing tulay sa inner areas ng lungsod papuntang central business district. Samantalang, ang ikatlong tier ay ang Davao Feeder na siyang magsisilbing link sa mga pasahero mula sa small-scale na bayan papuntang Metro Davao habang ang ika-apat na tier ay ang Davao Local na siyang magsisilbing main transport para sa mga outer areas sa paligid ng lungsod.
Nag-request ang pamahalaan ng $1.3 billion mula sa ADB upang gawin ang proyekto kung saan ang $800 million ay siyang gagawing pangunahing funding habang ang halagang $503 million ay siyang magiging secondary capital.
Ngayon 2023, ang ADB ay naglaan ng loans na nagkakahalaga ng $4 billion para sa Philippines kasama ang $1 billion para sa DPTMP. LASACMAR
-
3 nalambat sa buy bust sa Caloocan at Valenzuela
Kulong ang tatlong hinihinalang drug pushers matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela cities. Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y ilegal […]
-
Ads May 22, 2021
-
PDU30, nagtalaga ng 7 Court of Appeals justices, 39 na karagdagang trial court judges
NAGTALAGA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng 7 pang associate justices ng Court of Appeals (CA) at 39 na judges o hukom sa regional trial courts (RTCs) at metropolitan trial courts (MeTCs). Ang kanilang appointment papers ay tinanggap ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo, Lunes ng gabi mula kay Executive Secretary Salvador C. […]