DOTr: Naglungsad ng vaccination sa mga transport workers
- Published on September 2, 2021
- by @peoplesbalita
Sinimulan na ang pilot COVID-19 vaccination sa mga transport workers sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) dahil na rin sa utos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade upang magpatupad ng mahigpit na health at safety measures sa mga pasilidad ng mga pampublikong transportasyon.
“Its important that we make sure our heroic transport workers are all vaccinated, as they go to different places, and so are those they mingle with everyday,” wika ni Tugade.
Tinawag ang programa na “Tsuper: Kasangga ng Resbakuna” at ito ay naglalayon na mabigyan ng bakuna ang mga drivers ng mga pampublikong sasakyan, conductors at iba pang transport workers. Ang programa ay sa pagtutulungan ng DOTr Road Transport Sector, Department of Health (DOH), Mega Manila Consortium Cop. (MMCC), PITX at ang lungsod ng Paranaque. Sinimulan ang pagbibigay ng bakuna noong nakaraang July 2021.
Ginawang inoculation facilities ng MMCC ang mga buses sa PITX na may kapasidad na 1,000 na mangagawa ng transportasyon kada Sabado hanggang makamit ang minimum target na 6,000 na bakuna.
Ang lungsod ng Paranaque ang nagbigay ng unang batch ng bakuna habang ang natitirang bakuna na kailangan pa para sa programa ay mangagaling naman sa national government sa ilalim ng nationwide vaccination sa tulong ng Metro Manila Center for Health Development ng DOH.
Habang ang Health Office ng lungsod ng Paranaque ang siyang nagbigay ng mga kailangan mga health workers at medical personnel para sa screening, vaccination at post-vaccination tasks.
“This initiative would surely hasten the city’s goal of achieving herd immunity as 250,000 residents have already been vaccinated. This help from DOTr and the IATF is a big step for the city to achieve its goal of herd immunity. Any form of help is welcome and hugely appreciated as the struggle felt by Filipinos due to the pandemic need to be stopped immediately,” saad ni Paranaque Mayor Edwin Olivarez.
Samantala, pinahayag naman ni Tugade na pumayag sa kanyag panawagan ang pamunuan ng PITX sa panguguna ni Megawide chairman Edwin Saavedra na huwag na munang pagbayarin ng terminal fees ang mga buses at jeepneys sa PITX na sinimulan noong Aug. 2 hanggang hindi pa nawawala ang travel restrictions upang hindi masyadong madama ang epekto ng pandemya sa sektor ng pampublikong transportatasyon. LASACMAR
-
Public schools bilang isolation centers ikinakasa na
Unti-unti nang ginagawang mga isolation center ang mga pampublikong paaralan sa Metro Manila para sa mga pasyenteng may coronavirus disease 2019 o COVID-19, ayon sa Malakanyang. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hinihintay na lamang ng pamahalaan ang pagpapasa sa Bayanihan 2 dahil kabilang dito ang pagpapagawa ng mga paaralan. “We are now […]
-
Kelot arestado sa P102K shabu sa Valenzuela
KULONG ang isang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang naarestong suspek na si Allan Warde, 39 ng […]
-
DECEMBER 22 OPENING NG NBA, LUMABO; PLAYERS ‘DI PUMAYAG
BILANG tugon sa proposed NBA 72-game schedule na target ng liga para sa 2020-21 regular season, kasama na rito ang pagsisimula sa Dec. 22, isiniwalat ni National Basketball Players Association (NBPA) executive director Michele Roberts na karamihan sa manlalaro ay kumontra sa plano. Ayon kay Roberts, nire-review nila nang husto ang pro- posal at […]