• July 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr, nilinaw na hindi privatization kundi concession agreement ang gagawin ng pamahalaan sa NAIA

CONCESSION agreement at hindi privatization ang planong gawin ng gobyerno sa bagong management contract ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

 

 

Ito ang nilinaw ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista kasunod ng naging pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang plano ang pamahalaan na isapribado ang nasabing paliparan.

 

 

Pagbibigay diin ng kalihim, ang ibig sabihin ng concession agreement ay hindi nangangahulugang ibibigay sa private sector ang asset ng NAIA.

 

 

Paliwanag niya, mananatiling pag-aari ng gobyerno ang assets nito ngunit mga pribadong kumpanya raw ang mamamahala sa operasyon sa paliparan na kasalukuyan din aniyang ipinapatupad sa Macta-Cebu International Airport, at Clark International Airport.

 

 

“Ang ibig sabihin ng Presidente, hindi naman natin ibibigay sa private sector ‘yung assets ng NAIA. Ang ibig niyang sabihin, it’s the private sector who will manage the operations through a concession agreement, which is what we have been doing in two airports now —sa Cebu at saka sa Clark,” ani Bautista.

 

 

Samantala, sa kabila nito ay iginiit naman ng kalihim na ang naturang hakbang na gagawin ng administrasyon ay hindi magbubunsod sa pagtaas ng pamasahe sa nasabing paliparan.

 

 

Kung maaalala, una nang ipinaliwanag ng mga kinauukulan na ang mga paraaan na ito ay layong tugunan ang mga aberyang naranasan sa NAIA noong gabi ng Bagong Taon upang ito ay hindi na muling maulit pa.

Other News
  • NAGPANGGAP NA EMPLEYADO NG SC, INARESTO

    INARESTO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation(NBI)-Cybercrime Division (CCD) ang isang indibidwal na nagpanggap na empleyado ng Supreme Court (SC) dahil sa pag-aalok ng non-appearance services para sa annulment cases.     Ayon sa NBI-CCD, kinilala ang suspek na si Jay Ann Balabagno alyas Jay Ann Anderson sa Fairview ,Terraces ,Quezon City.   […]

  • Giit ni Sec.Andanar: media workers, iprayoridad din sa pag-roll out ng Covid-19

    IGINIIT ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang pangangailangan na iprayoridad ang mga media workers sa pag- rollout ng Covid-19 vaccine sa oras na maging available na ito.   Sinabi ni Sec. Andanar na kailangan din na ikunsidera bilang mga front-liners ang mga media workers.   “Front-liners ‘yan. Kahit anong mangyari, ang media ay araw-araw […]

  • LOCKDOWN SA MAYNILA, PINAGHAHANDAAN

    NAGHAHANDA na ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ang posibleng pagpapatupad ng lockdown sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 Delta variant sa bansa.     Nagpatawag ng emergency meeting si Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso kasama si Vice Mayor Ma. Sheilah ‘Honey’ Lacuna-Pangan at iba pang  local government health officials […]