• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr, OWWA lumagda sa kasunduan upang tulungan ang mga OFWs

Isang kasunduan ang nilagdaan ng Department of Transportation (DOTr) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang tulungan ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho.

 

 

Ang kasunduan ay naglalayon na bigyan ng trabaho ang mga OFWs na nawalan ng trabahao dahil sa pandemya sa pamamagitan ng pagbibigay ng opurtinidad na magtrabaho sila sa iba’t ibang proyekto ng DOTr.

 

 

Sa ilalim ng kasunduan, ang DOTr ay magbibigay ng listahan sa OWWA ng mga bakanteng posisyon at ang kailangan kaalaman kung saan ang isang OFW ay maaaring mag apply ng trabaho.

 

 

“This agreement will serve a dual purpose. First, our repatriated OFWs who are out of work will be able to work under the DOTr and they will be here in their own country. They no longer need to go out of the country because work is here at home. Second, we will not be looking elsewhere in getting the needed work force to finish various infrastructure projects,” saad ni DOTr Secretary Arthur Tugade.

 

 

Dahil sa pandemya na kinahaharap ng mga bansa sa buong mundo, ang trabaho ng mga OFWs ay naapektuhan kung kaya’t sila ay napilitang umuwi sa bansa.

 

 

Tinawagan ni Tugade ang mga OFWs na gamitin nila ang available na opurtinidad sa trabaho sa ilalim ng programa ng pamahalaan na Build, Build Build.

 

 

Dagdag pa ni Tugade na gusto niyang gamitin ng mga OFWs at iba pang mga workers na nawalan ng trabaho na magtrabaho sila sa sektor ng transportasyon.

 

 

Binigyan ni Tugade ng tagubilin ang mga kontraktor ng mga proyekto sa DOTr na bigyan muna ng pansin ang pagbibigay ng trabaho sa mga taong nawalan ng trabaho lalo na yoon mga qualified naman.

 

 

Isa sa mga proyekto ng DOTr ang nagbibigay ng pagkakataon sa mga nawalan ng trabaho ay ang North-South Commuter Railway (NSCR). Ito ay ang 148-kilometer proyekcto sa rail sector.

 

 

Ayon kay Tugade mayron 200 na dating OFWs ang nabigyan ng trabaho sa proyektong National Railways Clark Phase 1 na siyang unang bahagi ng NSCR.

 

 

Dagdag pa ni Tugade na may mahigit na 7,500 na mga mangagawa pa ang kanilang mabibigyan ng trabaho para sa ginagawang konstruksyon habang magkakaron pa ng karagdagang 2,000 na trabaho ang magiging kailangan kung ito ay tapos na. (LASACMAR)

Other News
  • Ads December 8, 2021

  • PANGANGAILANGAN AT BENEPISYO NG BUMBERO, FIRE RESCUER AT VOLUNTEERS ISUSULONG NG ABP

    PAGTUTUUNAN  ng pansin   ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) ang mga  pangangailangan at benepisyo ng mga bumbero, fire rescuers at volunteers, na mga unang tumutugon kung may nagaganap na sunog. Ayon kay Dr. Jose Antonio “Ka Pep” Goitia, first nominee ng ABP Party list na malaking sakripisyo ng mga ito na makapagligtas ng buhay […]

  • Hoping na madagdagan para mas marami ang makapanood: MIGUEL at YSABEL, parehong nalungkot na konti lang sinehan ng ‘Firefly’

    ISANG isyu tungkol sa ‘Firefly’ ay ang pagkakaroon ng kakaunting sinehan na pinagpapalabasan nito ngayong Pasko.     Ano ang masasabi ni Ysabel Ortega tungkol dito?     Lahad ni Ysabel, “Of course we’re hoping na as the days go by mas dumami ang sinehan kasi naniniwala po talaga kami sa pelikula.     “And […]