• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr: Pinag-iisipan kung puputulin na ang kontrata sa BF Corp. na gumagawa ng Unified Grand Central Station ng MRT3, LRT2, at MRT 7

PINAG-IISIPAN at pinag-aaralan ng Department of Transportation (DOTr) sa pamumuno ng bagong talagang Secretary na si Vince Dizon dahil sa matagal ng pagkabalam ng pagtatayo ng nasabing istasyon.

 

     Sa isang pahayag ng DOTr, sinabi ng ahensya na kanilang nire-repaso ang termination ng kontrata ng una sa BF Corp.-Foresight Development and Surveying Co. na isang consortium.

 

     Sinabi ni Dizon na pinag-aaralan ng legal team ang final termination ng kontrata para maka-move on na ang proyekto at nang matapos na sa lalong madaling panahon.

 

     “Our legal team is now studying the final termination of the contract so we can move on and finally finish this project. The delay is unacceptable and this project should have been completed by now and already benefiting the people,” wika ni Dizon.

 

     Ang nasabing Unified Grand Central Station ay tinatayo upang pagdugtungin ang 3 pangunahing rail lines sa Metro Manila, ang LRT 1, MRT 3, at ang ginagawang MRT 7. Nagkaroon ng mga problema at setbacks ang pagtatayo kasama na ang epekto ng pandemya.

 

     Dapat sana ay tapos na ang proyekto  ngayon subalit dahil sa pagbabalam ng pagtatayo, ito ay inaasahang matatapos pa sa darating na 2028, kung ang konstruksyon ay masisimulan muli sa madaling panahon.

 

     Sa isang ambush interview kay Dizon ay kanyang sinabi na kailangan ng tapusin muna ang konstruksyon dahil ito ay nagiging sanhi ng inconvenience sa mga motorista at naglalakad na mga tao.

 

     Nakita ni Dizon na ang mga ibang bakal ay nagkalat sa lugar ng konstruksyon at kinakalawang na ang iba na siyang nagiging sanhi ng trapiko sa nasabing lugar sa North Avenue at EDSA. Dagdag pa niya ang maraming barriers na nakatengga sa lugar ay nakakabalam sa mga naglalakad dahil iniikot pa nila ang malayo at nakikipag-siksiksikan pa ang iba para lamang makatawid.

 

     “Some of the metal materials there are scattered and rusting, and no one is working. That is exactly the inconvenience for pedestrians because of the many obstructions and barriers from the construction site, which have been left idle wherein commuters and pedestrians have to take a long detour and squeeze through crowded areas,” saad ni Dizon.

 

     Hanggang ngayon ay wala pang pahayag na ibinibigay ang pamunuan ng BF Corp. tungkol sa nasabing problema ng Unified Grand Central Station.

 

     Ang UGCS ay isang joint project ng DOTr, SM Prime Holdings, Inc., Universal LRT Corporation Limited of the San Miguel Corporation, Light Rail Manila Corporation, North Triangle Depot Commercial Corporation, Department of Public Works and Highways (DPWH), at Light Rail Transit Authority (LRTA). LASACMAR

Other News
  • Kapag napatunayang nagkasala sa ‘ crimes against humanity’: Dating PDU30, maaaring magbuno ng 30 taon o habambuhay na pagkabilanggo

    MAAARING maharap si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte sa 30 taon na pagkabilanggo o habambuhay na pagkabilanggo kapag napatunayang nagkasala sa ‘crimes against humanity’ ng International Criminal Court (ICC) na may kinalaman sa kanyang war on drugs.   “Based on the law, the penalty could reach up to 30 years imprisonment but it depends upon […]

  • There is Hope for Better Health: A New Generation of Dengue Prevention for Filipinos

    AS THE Philippines grapples with an alarming rise in dengue cases, healthcare professionals (HCPs) are calling for a renewed focus on prevention and the adoption of forward-thinking solutions to address healthcare gaps in dengue management and prevention.     Exacerbated by rising global temperatures, dengue fever has become an increasingly critical seasonal challenge in the […]

  • MIND-BLOWING ACTION, KILIG LOVE STORY, SEXY BACON… FIND OUT WHY “THE FALL GUY,” STARRING RYAN GOSLING AND EMILY BLUNT, IS A MOVIE EVENT YOU SHOULDN’T MISS

    Epic. Mysterious. Romantic. Comedic gold. Get excited because “The Fall Guy” has everything. Directed by David Leitch (“Bullet Train,” “Deadpool 2,” “Atomic Blonde,” “Fast & Furious Presents: Hobbs & Shaw”), the Ryan Gosling-Emily Blunt starrer opens only in cinemas May 1.     Find out what we mean by everything: https://www.facebook.com/watch/?v=329089309754364     In “The Fall Guy,” […]