DOTr sinabing walang basehan ang ulat na aabot sa P50 ang pasahe dahil sa PUV modernization
- Published on January 17, 2024
- by @peoplesbalita
NILINAW ngayon ng Department of Transportation na walang basehan ang umanoy aabot sa P50 ang pasahe dahil sa PUV modernization program ng gobyerno.
Ayon kay Office of Transprotation Cooperatives chairman Jesus Ferdinand Ortega na walang basehan ang palutang na posibleng umabot sa P50 ang pasahe sa modern jeepney.
Paliwanag ni Ortega, 2017 pa mayroong modern jeepneys at mula noon hanggang ngayon ay dalawang piso lang ang diperensya ng pamasahe dito at sa traditional jeepneys.
Dagdag ni Ortega, pagtaas sa presyo ng langis lang ang madalas na basehan ng taas-pasahe.
Sa panig LTFRB, sinabi ni Atty. Zona Russet Tamayo, Regional Director ng LTFRB-NCR na hindi lang ahensya ang nagdedesisyon sa taas-pasahe.
Mahigpit aniya ang koordinasyon nila sa NEDA sa bagay na ito dahil ang transport cost ay may epekto sa inflation kaya maingat na pinag-aaralan ang anumang adjustment. (Daris Jose)
-
PNP Chief Debold Sinas nagpositibo sa COVID-19
Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na nagpositibo sa Covid-19 virus si PNP Chief Gen. Debold Sinas. Sa isang sulat na inilabas mula kay NP Chief, kaniyang kinumpirma na nagpositibo siya sa virus batay sa RT-PCR swab test na inilabas ng PNP Health Service kaninang umaga, March 11,2021. Sa unang tatlong […]
-
Colegio de San Lorenzo sa QC nag-anunsiyo na ng pagsasara
NAG-ANUNSIYO ng “permanent closure” ang Colegio de San Lorenzo sa Quezon City. Ito ay dulot ng financial instability bilang resulta ng pandemya ng COVID-19, at mababang enrollment. Ang kolehiyo, na matatagpuan sa Congressional Avenue, ay nagsabing ganap nitong ibabalik ang mga bayad na binayaran ng mga mag-aaral na nakapag-enroll na para […]
-
Tokyo 2020 Olympic chief tiniyak na mahigpit na babantayan ang COVID-19 cases
Mahigpit na babantayan ng Tokyo 2020 organizing committee ang bilang ng mga nadadapuan ng COVID-19. Ayon kay Toshiro Muto ang Tokyo 2020 chief na magsasagawa kaagad sila ng pagpupulong kung kinakailangan kapag lalong lumala ang bilang ng COVID-19. Ilang araw kasi bago ang nasabing pormal na pagbubukas ng Olympics ay umaabot na […]