• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr, tataasan pa hanggang P260-K ang subsidiya para sa mga modern jeepney

INIHAYAG  ng Department of Transportation (DOTr) na plano nitong taasan pa ang equity subsidy para sa tsuper ng mga public utility vehicles ng hanggang Php260,000.

 

 

Ito ay upang mabigyan sila ng pondo at pagkakataon na makabili ng mga e-jeepney para sa ipapatupad na PUV modernization program ng pamahalaan.

 

 

Paliwanag ni DOTr Undersecretary Mark Steven Pastor, dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at iba pang gastusin ay itataas din ngayon ng Kagawaran ang ibinibigay nitong equity subsidy para sa mga PUV drivers.

 

 

Sa ngayon kasi ay nasa PHP160,000 ang halaga ng equity subsidy na ibinibigay ng DOTr para sa mga PUV drivers.

 

 

Habang tinatayang aabot sa Php1.4 million hanggang Php1.8 million ang halaga ng class 1 modern jeepney; nagkakahalaga naman sa Php2 million hanggang Php2.6 million ang class 2; habang nasa Php 2.5 million hanggang Php3 million naman ang halaga ng class 3 jeepneys.

 

Ang naturang dagdag equity subsidy program ng DOTr ay target maipatupad ng Transport department sa ikalawang bahagi ng taong 2023.(Daris Jose)

Other News
  • Christmas Tree Lighting ceremony sa Maynila, nagningning sa pamumuno ni Yorme Isko Moreno

    Sinimulan na noong Lunes, Nobyembre 23 ang pagdiriwang ng Kapaskuhan sa Lungsod ng Maynila matapos nating pailawan ang 45-feet Christmas Tree at ang mga parol sa Kartilya ng Katipunan.   Pinailawan din ang mga dekorasyon sa Bulwagang Rodriguez ng Manila City Hall, pati na rin sa National Parks Development Committee, Intramuros Administration, National Museum of […]

  • Tennis star Nadal binatikos ang Wimbledon dahil sa pagbabawal na makapaglaro ang mga Russian at Ukraine

    BINATIKOS ni Spanish tennis star Rafael Nadal ang panuntunan ng Wimbledon ng pagbabawal sa mga manlalaro ng Russia at Belarius.     Ayon sa 21-time major winner na isang hindi makatarungan ang naging desisyon ng Wimbledon.     Naniniwala ito na ang lahat ng mga England Club ay makagawa ng paraan para maresolba ang nasabing […]

  • Northern District Highway Patrol Team NAGSAGAWA ng Operation “Camp Lockdown”

    NAGSAGAWA ang mga tauhan ng Northern District Highway Patrol Team – Highway Patrol Group (NDHPT-HPG) sa pangunguna ni P/Cpt. Jun Cornelio Estrellan, hepe ng NDHPT-HPG at IMEG ng joint operation “Camp Lockdown” sa Samson Road kung saan isa-isa nilang pinapara ang mga saksakyan at mga motorsilong papasok ng Caloocan Police Headquarters upang alamin kung kumpleto […]