Dottie sumalo sa ika-54
- Published on June 5, 2021
- by @peoplesbalita
HUMILERA si Dottie Ardina sa tatlo sa ika-54 na puwesto na may $715 (P34K) bawat isa, habang si Clarissmon ‘Clariss’ Guce sa Amerikanang si Gigi Stoll para sa 57T na may $669 (P32K) each sa kahahambalos lang na 16th Symetra Tour 2021 sixth leg, $175K 13th Symetra Classic sa River Run Country Club sa Davidson, North Carolina.
Nagsumite mga round na 70-75-55 pa-six-over par 222 ang Pinay shotmaker mula sa Canlubang, Laguna na si Ardina, samantalang nagsumite ng 72-75-76 (223) ang PH-born, US-based pero Pinoy flag pa rin ang kinakatawan na si Guce.
Bumida sa 54-hole, 3-day golfest si Casey Danielson ng United States sa paglusot sa playoffs laban kay Fatima Fernandez Cano ng Spain makaraang magsosyo sa regulation play sa 210 at kopoin ang $26,250 cash prize. (REC)
-
DOJ: Extradition ni Teves, maaantala pa
INAASAHANG maaantala pa ang extradition o pagbabalik sa Pilipinas kay dating Negros Oriental representative Arnolfo Teves, Jr. Ipinaliwanag ng Department of Justice (DOJ) na kinakailangan pa kasing dumaang muli sa panibagong proceedings ang extradition case ni Teves sa Timor Leste bilang resulta ng procedural objections na isinagawa ng mga abogado nito. Ayon […]
-
PBBM, gustong baguhin ang pagtutok sa general public health sanhi ng pagtaas ng bilang ng iba’t ibang sakit
NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na baguhin ang pagtutok sa mga alalahanin na may kinalaman sa general public health bunsod na rin ng pagtaas ng bilang ng iba’t ibang sakit maliban sa COVID-19 sa bansa. Nabanggit ng Pangulo ang bagay na ito sa pakikipagpulong nito kay World Health Organization director general Dr. […]
-
Ads August 26, 2022