DPWH at Japanese experts, winakasan na ang talakayan sa panukalang P37-B road project
- Published on July 7, 2023
- by @peoplesbalita
TINAPOS na ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga Japanese expert ang kanilang isang linggong talakayan para sa panukalang P37 billion Dalton Pass East Alignment Road Project sa northern Luzon.
Ang iminungkahing proyekto ay isang four-lane na 23.5-kilometer na kalsada na magpapagaan sa matinding trapiko at magbibigay ng alternatibong ruta na nagkokonekta sa Tayabo, San Jose, Nueva Ecija hanggang Aritao, Nueva Vizcaya.
Ang Dalton Pass East East Alignment Road ay nakalista sa mga na-upgrade na NEDA Infrastructure Flagship Projects alinsunod sa patakarang “Build Better More” ng administrasyong Marcos.
Dagdag dito, ang iminungkahing proyekto, na nasa ilalim ng klasipikasyon ng DPWH High Standard Highway Master Plan bilang High Standard Highway Road, ay magsasama ng isang twin-tube long-distance tunnel at sampung tulay.
Isinasaalang-alang din ito para sa aplikasyon sa ilalim ng Special Terms for Economic Partnership (STEP) Loan upang matiyak ang kahusayan at kaligtasan ng konstruksiyon pati na rin ang sapat at wastong operasyon at pagpapanatili kapag ito ay kumpleto na.
Partikular na gagamitin ng Japan ang mga teknolohiya at karanasan nito sa larangan ng paghuhukay ng mountain tunnel at mga diskarte sa pagtatayo ng nasabing proyekto. (Daris Jose)
-
Diaz seselyuhan ang ika-4 niyang Summer Olympics
LUMAPAG na sa Tashkent, Uzbekistan si 2016 Rio de Janeiro Olympics women’s weightlifting 53-kilogram silver medalist Hidilyn Diaz upang pormalisahin na lang pang-apat na pagsabak sa 32nd Summer Games sa pagbahagi sa 49th Asian Men’s and 30th Women’s Weightlifting Championships 2021 sa Abril 16-25. Abr. 10 nagbuhat sa Malaysia na naging kampo niya […]
-
GSIS, mag-aalok ng emergency loan para sa mga biktima ng bagyong ‘Florita’
SINABI ng Government Service Insurance System (GSIS) na ia- activate nito ang kanilang emergency loan program para sa mga miyembro at pensioners na matinding tinamaan ng tropical storm “Florita.” Kadalasan na iniaalok ng GSIS ang emergency loans sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity. “GSIS members who have […]
-
Gierran, may hanggang Disyembre para ‘linisin’ ang PhilHealth – Palasyo
Binibigyan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ng hanggang Disyembre ang bagong upong pinuno ng Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) na si Dante Gierran para linisin ang umano’y kurapsyon sa ahensya. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, titingnan umano ng Pangulong Duterte kung makakaya ba ni Gierran, na dating hepe ng National Bureau of Investigation, […]