DPWH: CALAX malaking tulong upang mabawasan ang trapiko sa Calabarzon
- Published on September 4, 2021
- by @peoplesbalita
Nagkaron ng inagurasyon at ceremonial opening noong nakaraang buwan ang Cavite-Laguna Expressway (CALAX) Sub-section 5 mula sa Silang East Interchange papuntang Sta.Rosa-Tagaytay Interchange sa Cavite na may tinatayang 5,000 na motorista ang gagamit at dadaan sa nasabing expressway.
“While this pandemic may have slowed down and disrupted the implementation of projects, the Sub-section 5 or 5.14 kilometers Silang East Interchange to Sta. Rosa-Tagaytay Interchange component of Cavite Laguna Expressway or CALAX Project was completed and will now be operated to public use,” wika ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar.
Ang pagbubukas ng Sub-section 5 ay may tinatayang 5,000 na motorista ang makakagamit kada araw na makakaragdag sa 10,000 na motorista na ngayon ay dumadaan sa bukas ng CALAX Sub-sections 6,7 at 8 mula sa Sta. Rosa hanggang Mamplasan.
Sinabi rin ni Villar na sa ngayon ay tinatapos na rin ang iba pang sub-sections ng kanilang concessionaire na MPCALA Holdings upang maging fully-open ang kabuohang 45 kilometers CALAX na siyang magdudugtong sa CAVITEX sa Kawit, Cavite at South Luzon Expressway-Mamplasan Interchange sa Binan, Laguna.
Inaasahang pag natapos na lahat ang konstruksyon, ang CALAX ay malaki ang maitutulong upang mabawasan ang travel time sa pagitan ng CAVITEX at SLEX kung saan ito ay magiging 45 minutes na lamang at makakatulong upang maibsan ang pagsisikip ng trapiko lalo na sa Governor’s Drive, Aguinaldo Highway at Sta. Rosa-Tagaytay Road. Makakatulong din ang pagbubukas ng CALAX upang magbigay ito ng mahusay na transport facilities para sa Ecozones sa mga probinsiya ng Cavite at Laguna.
“More than providing efficient transportation links, the CALAX project under public-private partnership arrangement with the MPCALA Holdings, a unit of Metro Pacific Investment Corp., will help hasten economic recovery by providing jobs and promote the Calabarzon as a preferred destination for investment and growth,” dagdag ni Villar.
Ang P35.68 billion na Cavite-Laguna Expressway (CALAX) ay sinimulan ang konstruksyon noong July 2017 kung saan ito ay isa sa mga programa ng Build Build Build ng pamahalaan. LASACMAR
-
2 wanted sa murder sa Valenzuela, nasukol sa Southern Leyte
NAGWAKAS na ang pagtatago sa batas ng dalawang lalaki na kabilang sa mga most wanted persons ng Valenzuela City dahil sa kasong murder matapos silang masukol ng pulisya sa pinagtataguan nilang lugar sa Southern Leyte. Ayon kay Valenzuela City Police Chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pagtatago sa Southern […]
-
Kinunan habang nagso-shooting sa Coron, Palawan… ANDREA, pasabog ang kaseksihan sa suot na one piece swimsuit
ABA, pasabog ang sexy pictures na ipinost ni Andrea Torres sa kanyang Instagram account. Napaka-sexy naman talaga ni Andrea sa kanyang one piece swimsuit pero halos kitang-kita naman ang kanyang flawless skin, pati ang kanyang buttocks or backside. At habang may hawak itong buco. Obviously, sa shooting ng pelikula niyang […]
-
P100K matatanggap ng magkakampeon sa chess
BINUKSAN na kahapon ang may tatlong araw na 4th annual Chooks-to-Go National Rapid Chess Championships 2021 na nilalaro via online. “The event aimed to develop good thinkers through the understanding of chess strategies and tactics,” ani Bounty Agro Ventures Inc. president at teneral manager Ronald Daniel Mascariñas. “The tournament is also a fund […]