• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dr. Carl, malaki ang tiwala sa all-nurse cast: Napiling bida ng ‘Siglo ng Kalinga’ na si JOY RAS, naging emosyonal

INI-REVEAL na ang all-nurse cast nang malabuluhan na pelikulang ‘Siglo ng Kalinga’ na inspired sa buhay ni Anastacia Giron Tupas, na siyang nagtatag ng Filipino Nurses Association noong 1922. 

 

 

Ang FNA nga ay naging PNA, pagkaraan ng ilang taon. At layon ng pelikula ang pagdiriwang ng ika-100 anibersaryo ng Philippine Nurses Association.

 

 

Ang proyekto ito ay nabuo dahil kay Dr. Carl E. Balita at ang kanyang film outfit na Carl Balita Productions (CBP) ang producer, in cooperation with the PNA.

 

 

Ang ‘Siglo ng Kalings’ ay ididirek ni Lemuel C. Lorca na marami nang nagawang advocacy films. Mula ito sa panulat ni Archie del Mundo.

 

 

Ayon sa naging pahayag ni Dr. Carl, “Ang PNA (Philippine Nurses Association) is celebrating it’s 100 years – so ano, centennial… and we would like to immortalize the stories of the nurses, especially in the middle of this pandemic and that became the inspiration to us to immortalize the celebration, thru a film.”

 

 

Proud at kampante din siya kung bakit sila nag-decide na maging all nurses cast ang naturang kaabang-abang na pelikula, dahil naniniwala si Dr. Carl na naturally talented ang nurses, kaya di na nila kailangang umarte.

 

 

Say pa niya, “Sa akin, I’d like to put the spotlight on these actresses who are potential stars. Malay n’yo thru this film, may mag-emerge na isang Best Actress and Best Actor na nurse, we would love that.”

 

 

Pagbabahagi pa niya, magkakaroon ito ng world premiere, dahil marami tayong nurses sa iba’t-ibang panig ng mundo.

 

 

Nabanggit ni Dr. Carl na iimbitahan daw nila ang mga celebrity nurses natin na mag-cameo role, tulad nina Rocco Nacino, Kuh Ledesma, Princess Punzalan, Carol Banawa, at iba pa kung interesado silang maging bahagi ng ‘Siglo ng Kalinga’.

 

 

Ang award-winning actress na si Angeli Bayani ang nag-workshop sa mga mapiling bida at bahagi ng casts ng naturang pelikula.

 

 

Ipinakilala na nga sa media ang buong cast na kinabibilangan nina Abbey Romero, Denmark Mismanos, Jewell Alano, Lorrich Del Tantoco, Joel Rey Carcasano, Jerico Roque, Dre Canaria, Bambi Rojas, VJ Mendoza, at Tads Obach.

 

 

Kasama rin ang Philippine Nursing luminaries na sina Ms. Irma Bustamante bilang Dean Estacia at si Ms. Lydia Palaypay na gaganap naman bilang Anastacia Giron Tupas.  Kuwento pa ni Ms. Lydia, personal niyang nakilala si Mrs. Tupas noong kabataan niya at nag-aaral pa.

 

 

Ang role ni Anna Formantes ay nakuha Joy Ras, na matagal na ring sumusubok mag-artista and after so many years, ito at nabigyan na siya ng chance na maging bida sa isang pelikula na maipagmamalaki sa buong buhay niya.

 

 

Kaya naging emotional siya sa media launch na ginanap sa PNA.

 

 

Pahayag pa ng lead actress ng ‘Siglo ng Kalinga’, “Nurses are like actors too, we do our jobs everyday and try not to show much emotions especially when we get affected when someone dies, we feel and remember patients when that happens.

 

 

“Our jobs as nurses in a way equate to acting experience.”

 

 

Ilang dekada ang itatakbo ng pelikula kaya interesado kami kung paano ito pagtatagni-tagni nga mga writers at direktor ng ‘Siglo ng Kalinga.’

(ROHN ROMULO)

Other News
  • PH 3×3 may award sa PSA

    May espesyal na parangal ang Philippine men’s 3×3 team na may ticket sa Olympics Qualifying Tournament sa gaganaping SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night ngayong Biyernes sa Centennial Hall ng Manila Hotel.   Mangunguna sina Alvin Pasaol at Joshua Munzon, 2019 Chooks-To-Go Fan Favorite awardee, sa koponan para sa okasyon na mga hatid ng […]

  • PBBM, sinaksihan ang paglagda sa Cooperation Agreement para makapagtayo ng “first cancer hospital” sa Pinas

    SINIMULAN na ng AC Health and Varian Medical Systems ang groundbreaking partnership  na naglalayong  i-improve o ayusin ang access sa de-kalidad na  cancer care sa Pilipinas.     Ang pagpirma sa cooperation agreement ay sinaksihan ni Pangulong Marcos Jr.  sa Ritz-Carlton Hotel sa sidelines ng  kanyang naging partisipasyon sa  2023  Asia Pacific Economic Cooperation Summit […]

  • Para sa horror-drama short film na ‘Umbra’: Newbie Pinoy film maker na si Direk MIAH, nag-uwi ng two international filmfest award

    NAKASUNGKIT agad ang baguhang Pinoy film director ang dalawang major film award sa dalawang international film festival sa India.      Ito ay si Jeremiah P. Palma na nagdirek ng low-budget short film na ‘Umbra.’     Libo-libong pelikula mula sa iba’t ibang bansa ang nakalaban ng up-and-coming indie filmmaker, pero siya ang nakakuha ng […]