• April 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DR. GOMEZ: MEDICAL CANNABIS MALAPIT NG MAISABATAS

Bagamat araw ng pagawa ngayong araw May 1, 2023 at walang pasok ang mga nag-oopisina sa gobyerno  at pribadong sector, tuloy pa rin ang nakagawian ng BAUERTEK Media Health Forum na ginanaganap tuwing lunes sa isang restaurant sa lungsod Quezon.

 

 

Ito ay pinangungunahan pa rin ni Dr. Richard Nixon Gomez bilang General Manager ng BAUERTEK, na ang adbokasiya ay maisabatas at maging legal ang paggamit ng halamang gamot na marijuana o cannabis sa bansa. Ito ay ipoproseso sa isang laboratoryo para gawing Medical Cannabis na kung saan ang laboratoryo ay nakatayo na at handang handa na, hinihintay na lamang na maisabatas ito at maging legal.

 

 

Ayon kay Dr. Gomez, ang medical cannabis ay matagal nang ginagamit bilang gamot sa mahabang panahon at milyon-milyong pasyente na ang gumagamit worldwide. “Bakit sa Pilipinas, ayaw pang ipagamit ang medical cannabis, samantalang maari nitong matulungan ang isang milyong Pilipinong may sakit?”

 

 

Dagdag pa ni Dr Gomez, “Ang medical cannabis ay malapit ng maisa-batas, dahil na rin umano sa dami na ng sumusuportang politiko, government official, at kilalang mga personalidad, dahil din umano sa alam na ng nakakarami sa ngayon, na meron na tayong laboratoryo na kung saan ipoproseso ang Marijuana para gawing Medical cannabis.”

 

 

Matatandaang, lumabas sa ilang pahayagan taong 2019 na mismong si dating House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ay umaming gumamit ng medical cannabis, na isa umano sa nagbenepisyo nito. Nilalagyan umano ng pain patch na medicinal marijuana ang cervical spine na sumasakit kay Gng. Arroyo.

 

 

Subalit paglilinaw nito, na sa ibang bansa niya ito ginagawa kung saan pinapayagan ang paggamit ng cannabis para sa medical purposes at hindi rito sa Pilipinas dahil wala pang batas na sumusuporta rito. Naniniwala ang dating SGMA, na bukod sa kanya, ay marami pang may sakit ang matutulungan at mapapagaling ng medical cannabis. Kung kaya isa rin umano siya sa may-akda ng panukalang inihain sa Kamara na gawing legal ang medical cannabis sa bansa sa kanyang kapanahunan.

 

 

Naging panauhin sa ginanap na forum sina: Dr. MacGerald  Cueto, Associate Professor, UERM,  Memorial Center Inc., Doc-Atty. Leo Olarte, Former President Philippine Medical Association, Dr. Gem Mutia, Founder , Philippine Society of Cannabinoid Medicine.

 

 

Ipinaliwanag ni Dr. MacGerald  Cueto ang tungkol sa Acupuncture bilang bihasang acupuncturist lalo na pagdating sa pain management. Ang Acupuncture ay ang pagtusok ng mga maninipis na karayom sa iba’t ibang bahagi ng katawan na base sa pag-aaral ng siyensiya. Ang pamamaraang ito ay nakatutulong laban sa chronic pain, headaches, migraine at iba pa. Nalulunasan din ang ang problema ng mga kalalakihan  pagdating sa erectal dysfunction, ayon pa kay Dr. Cueto.

 

 

Sinabi naman ni Dr. Gem Mutia na dapat suportahan ng gobyerno ang pagsasabatas ng paggamit ng Medical cannabis, ang halamang gamot na marijuana. Huwag maging negatibo ang pananaw lalo na pagdating sa marijuana dahil ito umano ang magpapagaling sa milyong Pilipinong may sakit. Magbibigay din ito ng dagdag kita sa kaban ng bayan. Suportado naman ni Doc. Atty Olarte, ang pagsasabatas ng medical cannabis sa bansa.

 

 

Nagsilbing host sa nasabing BAUERTEK Media Health Forum sina: Edwin Eusebio at Rolly Lakay Gonzalo. (Raffy Rico)

Other News
  • P4.5 trilyong national budget pirmado na ni Duterte

    Nilagdaan na kahapon, Dec 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P4.5 trilyon national budget para sa 2021.   Sumaksi sa paglagda ng 2021 General Appropriations Act ang ilang lider ng Senado at House of Representatives.   Nakapaloob din sa GAA ang alokasyon para sa COVID-19 vaccine na nagkakahalaga ng P72.5 bilyon.   Nasa P2.5 bilyon […]

  • ‘Overpriced’ laptops iimbestigahan ng Senado

    PINAPAIMBESTIGAHAN  ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel ang isyu kaugnay sa ‘overpriced’ at ‘outdated’ na laptops na binili ng Department of Education (DepEd) sa pamamagitan ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM).     Sa Senate Resolution 120 ni Pimentel, ­inaatasan nito ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations […]

  • Lady Gaga at Jennifer Lopez, special guests sa inauguration nina US Pres. Joe Biden at Vice Pres. Kamala Harris

    SINA Lady Gaga at Jennifer Lopez ang dalawa sa magiging panauhin sa inauguration ng bagong US President Joe Biden at US Vice President Kamala Harris ngayong January 20.   Magaganap ang sworn in nila Biden at Harris sa West Front ng US Capitol.   Si Lady Gaga ang aawit ng national anthem samantalang si J.Lo […]