• December 6, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dream house nila ni Dingdong, pinakita na for the first time.. MARIAN, naiiyak pa rin ‘pag napag-uusapan ang pagkakaroon ng isang buong pamilya

SA unang pagkakataon sa telebisyon, ipinakita na ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang kanilang bagong gawang bahay sa Makati sa ‘Kapuso Mo Jessica Soho’.
Kahit nagpasilip, masasabing na-maintain pa rin ang privacy ng bahay dahil halos ‘yung naipo-post lang din nila sa social media nila ang ipinakita.
Pero tiyak na maaaliw ang mga nanood, lalo na sa mga fan ng Dantes Squad dahil sa pa-sample ni Zia Dantes ng husay niya sa pagtugtog ng piano habang sinabayan ng pagkanta ni Ms. Jessica. At ang kabibuhan at kaguwapuhan naman ni Sixto.
During their interview, hindi napigilan ni Marian na maging emosyonal. Tuwing mapupunta talaga ang topic sa pagkakaroon ng isang buong pamilya. Naluha pa rin si Marian kahit ilang beses na niya itong sinasabi.
Sabi ni Marian, “Pangarap ko po talaga, at ito ‘yung dasal ko na ‘yung mga anak ko, kasama nila sa paglaki ang mga magulang nila. Kasi ako, hindi ko ‘yun na-experience.”
Nag-trabaho na sa ibang bansa ang Mama ni Marian habang separated na ito sa Daddy niya na Espanyol naman. Ang Lola Ingga ni Marian sa Cavite ang nakasama niyang lumaki.
Beautiful family talaga sina Dingdong at Marian na ang wish pa rin, kung pagbibigyan daw sila ay mabigyan pa rin ng younger sibling sina Zia at Sixto.
Sa isang banda, ikatutuwa rin sigurado ng mga fan, lalo na ni Marian dahil nabanggit nito na by 2023, after nga na mamahinga muna from doing any teleserye, may gagawin na raw siya.
***
POSITIBO si Direk Lino Cayetano sa darating na 2022 Metro Manila Film Festival.
Ang totoo pala, hindi naman nila inaasahan na ang Rein Entertainment’s movie na “Nanahimik Ang Gabi” ay magiging isa sa walong official entries for MMFF.
Kaya gano’n na lang ang positivity na meron siya dahil naniniwala rin siya na magaganda ang line-up ng MMFF ngayon.
Excited daw siya lalo na after nanahimik naman talaga ang mga tao sa panonood ng sine dahil sa pandemic, sana maging hudyat ang MMFF ngayon na maibalik ang interes, lalo na ng mga Pinoy sa movies.
Suspense/thriller ang genre ng “Nanahimik ang Gabi”, kaya walang isyu sa kanila kahit madalas sabihin na ang “Deleter” ang nag-iisang horror movie sa filmfest ngayon.
Sabi pa ni Direk Lino, “It’s made for the theaters. Sana ho, ma-experience niyo ang maupo ro’n na may kasamang mahal niyo sa buhay or date o mga kaibigan.
“At makita niyo ang inihanda nating amazing performance from Mon (Confiado), Ian Veneracion and Heaven Peralejo.”
At sey rin niya, revelation daw talaga si Heaven sa movie.
“Magugulat kayo sa performance ni Heaven dito. Napakagaling niya,” papuri nga nito sa kanilang lead actress.
Kay Mon naman daw, akala niya wala na siyang ikagugulat dito.
“With Mon, akala ko hindi na ko magugulat ni Mon Confiado. Pero ginulat pa ko. Si Ian, napaka-charming, guwapo, seductive. Pero pagdating dito, pwede rin pala siyang nakakatakot. Ang lalim ng iba’t-ibang characters. It’s really cinematic experience.”
Ang ‘Nanahimik ang Gabi’ ay mapapanood na sa December 25.
(ROSE GARCIA)
Other News
  • Tanggapan ng pamahalaan sa NCR, inatasan na i-adopt ang skeleton workforce sa panahon ng ECQ

    IPINAG-UTOS ng Malakanyang sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan at instrumentalities sa Kalakhang Maynila na nasa ilalim ng executive branch na magtalaga ng skeleton workforce sa panahon na ipatutupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula Agosto 6 hanggang 20.   Sa ilalim ng Memorandum Circular (MC) 87, na tinintahan, araw ng Martes ni Executive Secretary […]

  • Netizens, tinag pa si Kim para subukang mag-react: Photo nina BARBIE at XIAN na kuha sa isang hotel, ginawan ng malisya

    NAG-VIRAL ang photo nina Barbie Imperial at Xian Lim na kuha sa lobby ng isang hotel sa Davao Oriental dahil nilagyan ito ng malisya ng ilang netizens.     Una itong lumabas sa Facebook post ng isang hotel sa Mati, Davao Oriental noong Linggo, May 15 at may caption ito na, “Thank you so much, […]

  • Inatasan ni Speaker Lord Allan Velasco na buksan at simulan ang deliberasyon

    Inatasan ni Speaker Lord Allan Velasco ang House Committee on Constitutional Amendments na buksan at simulan ang deliberasyon sa pag-amyenda sa mga mahihigpit na probisyon sa ekonomiya, na nakasaad sa ilalim ng 1987 Saligang Batas, sa isang Resolution of Both Houses (RBH) 2 na kanyang inihain.    Ayon kay Velasco, noong inihain niya ang RBH […]