Drug-buster cops, ‘viral’ traffic enforcer pinuri ng Navotas
- Published on May 11, 2023
- by @peoplesbalita
KINILALA ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang huwarang pagganap ng mga opisyal ng Navotas City Police at isang enforcer ng City Traffic and Parking Management Office.
Sa pamamagitan ng resolusyon ng Sangguniang Panlungsod, pinuri ng lungsod ang 44 na pulis na lumahok sa raid sa Baguio na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 574.8 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.9 bilyon at pagkakaaresto ng isang drug personality.
Nakatanggap din ang mga opisyal ng P250,000 cash incentive mula sa Navotas Anti-Drug Abuse Council.
Samantala, pinuri at binigyan naman ng P10,000 incentive ng pamahalaang lungsod ang traffic enforcer na si Mark Ferdinand Luzuriaga.
Nag-viral sa social media si Luzuriaga matapos umanong sapakin at sakalin ng isang pulis-Maynila na tumangging magpahuli dahil sa pagmamaneho ng tricycle na walang prangkisa.
Kalaunan, inaresto ang naturang pulis ng mga tauhan ng Navotas City Police sa pangunguna ng hepe nito na si Police Col. Allan Umipig.
Kapwa pinasalamatan ni Mayor John Rey Tiangco ang Navotas police at si Luzuriaga dahil sa pagtupad ng kanilang tungkulin sa kabila ng panganib na dulot nito.
“Their bravery and faithful performance of their duty are worthy of emulation. They serve as an inspiration to all public servants and a reminder to everyone that no one is above the law,” aniya. (Richard Mesa)
-
Thompson hinirang na PBA MVP
KAGAYA ng inaasahan, napasakamay ni guard Scottie Thompson ng Barangay Ginebra ang Most Valuable Player trophy ng PBA Season 46 kahapon sa The Leo Awards. Kumolekta ang 28-anyos na produkto ng Perpetual Altas ng 2,836 points para maging ikalawang Ginebra player na nagwagi ng MVP matapos si Marc Caguioa noong 2012. […]
-
PSC: Tulong ng pribadong sektor, hihingin para mabigyan ng allowance ang mga nat’l athletes, coaches
Binabalak ng Philippine Sports Commission (PSC) na hingin ang tulong ng pribadong sektor para bayaran ang bahagi ng monthly allowance ng mga national athletes at coaches. Tinapyasan kasi ng PSC kamakailan ang natatanggap na allowance ng mga atleta at coaches bunsod ng epekto ng COVID-19 pandemic. Sa isang pulong balitaan, partikular na tinukoy […]
-
Na-challenge sa kakaibang karakter sa miniseries: ANDREA, tuwang-tuwa sa magagandang reviews ng netizens
NA-CHALLENGE si Andrea Del Rosario sa kakaibang karakter na kanyang ginagampanan sa mystery-romance miniseries ng GMA Public Affairs na Love You Stranger. Ginagampanan ni Andrea ang role na Lorraine, ang ina ni LJ (Gabbi Garcia) na kinakatakutan ang isang misteryosong anino na kung tawagin ay Lilom. “Mayroon siyang unexplained fear of the dark. […]