• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Drug-free workplace isinusulong sa Navotas

KINAKAILANGAN ng sumailalim ng mga empleyado sa mga business establishment sa Navotas sa taunang drug test kasunod ng pagsasabatas ng lungsod ng isang drug-free workplace ordinance.

 

 

Ipinasa ng Konseho ng Lungsod ng Navotas ang City Ordinance No. 2023-23 na nag-aatas sa mga piling negosyo sa Navotas na panatilihin ang isang ligtas at malusog na kapaligiran, na walang mapanganib na droga.

 

 

Kasama sa mga sakop na establishment ang mga KTV bar, night club, super club, spa, massage parlor, disco house, bar, restaurant at ang mga negosyong may lima o higit pang manggagawa.

 

 

“We will continue to exert all efforts to keep both residents and workers in Navotas safe from the menace of illegal drugs” ani Mayor John Rey Tiangco.

 

 

Sa ilalim ng ordinansa, dapat pataasin ng mga business establishment ang kamalayan at edukasyon ng kanilang mga empleyado at kliyente tungkol sa mga epekto ng ilegal na droga.

 

 

Dapat ding hilingin ng mga may-ari ng negosyo at employer ang kanilang mga opisyal at empleyado na sumailalim sa random na drug testing at tiyaking walang mga ipinagbabawal na gamot ang dinadala o ginagamit sa kanilang workplace.

 

 

Sasagutin naman ng employer ang mga gastos para sa drug testing at confirmatory test.

 

 

Kung magpositibo ang isang empleyado, ire-refer sila ng establisyemento sa isang center accredited ng Kagawaran ng Kalusugan para sa pagsusuri. Dapat din itong magsumite ng listahan ng mga pangalan ng mga tauhan, na nagpositibo, sa Navotas City Anti-Drug Abuse Council (NADAC).

 

 

Kasama rin sa programa sa pag-iwas at pagkontrol sa droga ng establisimiyento ang paggamot at rehabilitasyon, gayundin ang tulong at pagpapayo para sa mga empleyadong may emosyonal na pagkabalisa.

 

 

Samantala, dapat pangasiwaan ng NADAC ang kinakailangang interbensyon at mga programa sa rehabilitasyon para sa mga napatunayang positibo sa paggamit ng ilegal na droga.

 

 

Makikipag-ugnayan din ito sa Navotas City Police at sa City Business Permits and Licensing Office (CBPLO) para sa mga operasyon ng interbensyon at pagpapataw ng mga parusa.

 

 

Sa unang paglabag, papatawan ng multang P5,000 at suspensiyon ng  business operation habang nakabinbin ang pagsunod. Ang patuloy na hindi pagsunod ay babawian ng kanilang business permit. (Richard Mesa)

Other News
  • NAVOTAS NAGBIGAY NG P6K INCENTIVE SA BARANGAY HEALTH WORKERS

    NAGBIGAY ang Lokal na Pamahalaan ng Navotas ng P6,000 service recognition incentive sa lahat ng barangay health workers sa lungsod na patuloy ginagampanan ang kanilang trabaho sa panahon ng pandemic.     Sa ilalim ng City Ordinance 2021-52, 193 Barangay Health Workers (BHW), Barangay Nutrition Scholars (BNS), at mga miyembro ng Barangay Health Emergency Response […]

  • GERALD, umaming napakainit ang naging comment ni JULIA sa trending boxer briefs scene niya

    “GULAT nga ako nag-trending, ganyan suot ko araw-araw,” natatawang sagot ni Gerald Anderson nang matanong sa reaksyon sa viral video na kung saan suot niya ang white boxer briefs.       Sa isang virtual interview na inilabas sa Star Magic YouTube account, naitanong nga ang eksenang kuha sa teleseryeng Init sa Magdamag na kung […]

  • ANGEL, ‘di pinatulan ang mga bashers dahil totoo naman na mataba siya; nagsimulang mag-diet para sa kalusugan

    ISA ang actress-TV host na si Angel Locsin ang nakaranas ng body shaming na talaga namang nilait ng mga bashers sa social media.     Nag-viral pa ang mga kuhang litrato sa taping ng public service program niyang Iba Yan na umabot ng isang taon, pero never talagang pinatulan ni Angel at pinagpatuloy lang ang […]