• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Drug group member, kasabwat timbog sa P136K shabu at baril sa Valenzuela

DALAWANG tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang high value individual (HVI) na miyembro ng isang drug group ang arestado matapos makuhanan ng baril at mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

 

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong mga suspek bilang sina Romulo Credo Jr, alyas “Onyong”, 47 ng 25 Saint Benedict St., at Ricky Sedayon alyas “Kuya”, 38, miyembro ng “Compendio Drug Group”, ng 83 A James St., kaowa ng Brgy. Veinte Reale.

 

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Destura na dakong alas-3:00 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PCPT Joel Madregalejo ng buy bust operation sa Saint James Street, Brgy. Veinte Reales matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa illegal drug activities ng mga suspek.

 

 

 

Kagaad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek matapos magsabwatan na bentahan ng P500 halaga ng umano’y shabu ang isang pulis na nagpanggap bilang poseur-buyer.

 

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 20 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P136,000, buy bust money, P400 seized money, dalawang cellphone, coin purse, sling bag at isang cal. 38 revolver na may dalawang bala na nakuha kay Sedayon.

 

 

 

Pinapurihan ni BGen Peñones ang Valenzuela CPS sa kanilang masigasig na kampanya kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) at karagdagan paglabag sa R.A 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang kakaharapin ng isa sa kanila. (Richard Mesa)

Other News
  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 51) Story by Geraldine Monzon

    NANG UMALIS sina Jeff at Bela sakay ng motor, napansin ng huli na may kotseng sumusunod sa kanila. Nakumpirma nila ito nang lumiko sila sa isang kanto at sumunod pa rin ito. Pinaharurot ni Jeff ang motor. Napatili naman si Bela nang bigla na lang silang paulanan ng bala ng humahabol sa kanila.   “EEEEEE!” […]

  • Three ‘Filipino BL Series’ Now Streaming on WeTV and iFlix

    HERE are three new Pinoy BL series that remind us that love can be found when and where you can least expect it – and you can watch them for free on WeTV and iflix.   QUARANTHINGS: THE SERIES (2020) CAST: Royce Cabrera, Kyo Quijano DIRECTOR: Pancho Maniquis   Quaranthings: The Series follows the friendship of two boys, […]

  • Ads November 15, 2023