Drug suspect, kulong sa baril at halos P.8M droga sa Valenzuela
- Published on April 7, 2025
- by @peoplesbalita
KALABOSO ang 19-anyos na tulak na itinuturing na High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng baril at halos P.8 milyong halaga ng shabu nang matiklo ng pulisya sa buy bust operation sa Valenzuela City.nn Kinilala ni P/Lt. Col. Timothy Aniway Jr., hepe ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Northern Police District (NPD) ang suspek na si alyas “Gio”, ng San Diego, 1st St., Brgy. Maysan ng lungsod.nn Sa kanyang ulat kay NPD District Director P/BGen. Josefino Ligan, sinabi ni Lt Col. Aniway na ikinasa nila ang buy bust operation, katuwang ang Valenzuela Police Sub-Station 4, sa koordinasyon sa PDEA nang magpositibo ang natanggap nilang impormasyon hinggil sa illegal drug activites ng suspek.nn Nang tanggapin umano ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng ibinentang isang sachet na shabu, ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba ng DDEU dakong alas-12:55 ng hating gabi sa Baltazar St., Brgy. Malinta.nn Nakumpiska sa suspek ang nasa 115 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P782,000.00, isang cal .38 revolver na kargado ng tatlong bala at buy bust money.nn Ayon kay PSSg Elouiza Andrea Dizon, mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at R.A 10591 o ang Comprehensive Law of Firearms and Ammunition Act in relation to B.P 881 Omnibus Election Code isinampa nila laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.nnPinuri naman ni Gen. Ligan ang mga operatiba ng DDEU para sa kanilang pambihirang kasipagan at hindi natitinag na pangako sa pagpapanatiling ligtas ang mga lansangan ng Camanava mula sa salot na ilegal na droga at iba pang kriminal. (Richard Mesa)
-
Ads January 9, 2024
-
Gilas Pilipinas nahaharap sa hamon dahil sa mga pagkaka-injury ng mga players
NAHAHARAP ngayon sa isang hamon ang Gilas Pilipinas ilang araw sa pagsisimula ng panibagong windowsng FIBA Asia Cup. Ito ay matapos na magtamo ng ankle injury si RJ Abarrientos habang nagpa-praktis. Ayon kay Gilas coach Chot Reyes, na kanilang oobserbahan pa ang 5-foot-11 na si Abarrientos kung tuluyang gagaling ang natamong […]
-
Winner ang experience niya sa ‘BIFF’: ROCCO, pinuri ang Barong Tagalog ng Korean Oppas na naka-bonding sa event
HINDI man nanalo ang pelikula nilang Motherland, winner pa rin ang experience ng Kapuso actor na si Rocco Nacino sa pagdalo niya sa Busan International Film Festival. Proud na ipinakita ng aktor ang kaniyang Barong Tagalog na pinuri ng mga Korean Oppa na naka-bonding sa event. Nagpunta kamakailan si Rocco sa South Korea […]