Drug suspect, kulong sa baril at halos P.8M droga sa Valenzuela
- Published on April 15, 2025
- by @peoplesbalita
KALABOSO ang 19-anyos na tulak na itinuturing na High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng baril at halos P.8 milyong halaga ng shabu nang matiklo ng pulisya sa buy bust operation sa Valenzuela City.nn Kinilala ni P/Lt. Col. Timothy Aniway Jr., hepe ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Northern Police District (NPD) ang suspek na si alyas “Gio”, ng San Diego, 1st St., Brgy. Maysan ng lungsod.nn Sa kanyang ulat kay NPD District Director P/BGen. Josefino Ligan, sinabi ni Lt Col. Aniway na ikinasa nila ang buy bust operation, katuwang ang Valenzuela Police Sub-Station 4, sa koordinasyon sa PDEA nang magpositibo ang natanggap nilang impormasyon hinggil sa illegal drug activites ng suspek.nn Nang tanggapin umano ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng ibinentang isang sachet na shabu, ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba ng DDEU dakong alas-12:55 ng hating gabi sa Baltazar St., Brgy. Malinta.nn Nakumpiska sa suspek ang nasa 115 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P782,000.00, isang cal .38 revolver na kargado ng tatlong bala at buy bust money.nn Ayon kay PSSg Elouiza Andrea Dizon, mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at R.A 10591 o ang Comprehensive Law of Firearms and Ammunition Act in relation to B.P 881 Omnibus Election Code isinampa nila laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.nnPinuri naman ni Gen. Ligan ang mga operatiba ng DDEU para sa kanilang pambihirang kasipagan at hindi natitinag na pangako sa pagpapanatiling ligtas ang mga lansangan ng Camanava mula sa salot na ilegal na droga at iba pang kriminal. (Richard Mesa)
-
Abueva, Sangalang bagong 1-2 pambato ng Magnolia
LUMALABAS na sina big man Ian Paul Sangalang at stalwart Calvin Abueva na ang bagong 1-2 armas ng Magnolia Hotshots sa nalalapit na 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2021. Ilanga raw pa lang dumating si ‘The Beast’ Abueva sa Pambansang Manok na trinade ng Phoenix Super LPG kasama ang first round […]
-
2 KABABAIHAN SA HUMAN TRAFFICKING HINATULAN NG HABANGBUHAY
HINATULAN na ng korte ang dalawang kababaihan na naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa human trafficking. Ayon sa NBI, habambuhay na pagkakakulong ang ipinataw sa mga akusado na sina Mary Jane Mendoza at Magdalena Viray ng Sta.Cruz, Laguna Family Court Branch 6 . Taong 2019 nang maaresto ng […]
-
Puntiryang gawing Smart City ang siyudad… ‘Ate Sarah Discaya’ ng SGC Charity Foundation, naghain na ng COC, tatakbong Mayora ng Pasig, City
SI SARAH DISCAYA, kilala ng mga Pasigueño bilang “Ate Sarah” at asawa ng negosyanteng si Curlee Discaya, ay opisyal nang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) bilang mayor ng Pasig City, kahapon Oct. 6. Ibinahagi ni Ate Sarah na handa na siyang sundin ang panawagan ng mga Pasigueño. Nang matanong kung bakit siya tatakbo […]