Drugstores, pharmacies at hospitals, kailangang maglagay ng maximum retail price sa mga gamot – DoH
- Published on February 19, 2020
- by @peoplesbalita
Aabot umano sa pitong milyong Pinoy ang makikinabang sa bagong pirmang Executive Order (EO) No. 104 kaugnay ng Maximum Drug Retail Price (MDRP) sa mga gamot.
Sa EO na kapipirma ni Pangulong Rodrigo Duterte, mababawasan ng halos 58 percent ang retail prices ng nasa 87 high cost medicines.
Dahil dito, agad daw mag-iisyu ng Administrative Order ang Department of Health (DoH) para siguruhing maipatutupad ng maayos ang EO sa MDRP.
Ang retail ay kailangan na ring ipatupad sa public at private drug retail outlets kasama na ang chain at independent drugstores, hospital pharmacies, health maintenance organizations at iba pang outlets sa loob ng 90 days.
Kasabay nito, isasagawa na rin ng DoH ang dissemination sa implementing guidelines sa mga stakeholders.
Ang mga lalabag sa price caps ay mahaharap daw sa kasong paglabag sa Cheaper Medicines Act at iba pang batas na lalabag sa panuntunan ng Department of Trade and Industry (DTI) at Food and Drugs Administration (FDA).
“We are grateful for the support and genuine care of our President in looking out for the health of our people. This will propel us toward Universal Health Care which will broaden our agenda to make comfortable lives for all Filipinos,” ani Health Secretary Francisco Duque III.
-
IOC, nagbanta na parurusahan amg mga atleta na magpoprotesta sa Tokyo Olympics
Nagpaalala ang International Olympic Committee (IOC) sa mga atleta na dadalo sa Tokyo Olympics na huwag magbabalak na lumuhod at magtataas ng kamao bilang suporta sa racial equality. Ayon sa IOC na hindi sila magdadalawang isip na parusahan ang mga sinumang atleta na gagawin ang nasabing hakbang. Nakasaad kasi sa IOC […]
-
Phoenix Super LPG wagi kontra Meralco 116-98
NILAMPASO ng Phoenix Super LPG ang Meralco 116-98 sa PBA bubble na ginanap sa AUF Sports Arena & Cultural Center sa Pampanga. Mula pa lamang sa simula ng laro ay hindi na pinaporma pa ng Fuel Masters ang Meralco. Umabot pa sa 25 points ang naging kalamangan ng Phoenix. Naging bida sa […]
-
5.7-B bakuna naka-pre order na sa buong mundo
Pumalo na sa 5.7 billion doses ng coronavirus vaccines ang na-pre-order sa buong mundo kahit hindi pa natatapos ang clinical trials nito. Ang unang shipment ng COVID-19 vaccine ay gawa ng Western laboratories mula sa US. Habang mayroong limang bakuna na tatlo sa Western at dalawa sa China ang nasa phase 3. […]