Dry season idineklara na ng PAGASA
- Published on March 27, 2025
- by @peoplesbalita
IDINEKLARA na ng PAGASA ang pagsisimula ng dry season o ang mainit na panahon sa bansa.
Ito ay nang kumawala na ang hanging amihan o Northeast Monsoon na nagdadala ng malamig na panahon at napalitan na nang pagpasok ng easterly dahil sa pagkakaroon ng High Pressure Area (HPA) sa may hilagang kanlurang Pasipiko.
Dulot nito, asahan na ang maalinsangang panahon at ihip ng mainit na hangin sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Pinapayuhan naman ng PAGASA ang publiko na kung walang gagawin ay iwasan ang paglabas ng bahay mula 10am-4pm para makaiwas sa anumang sakit na maaaring dalhin ng mainit na panahon tulad ng mga sakit sa balat, heat cramps at heat stroke.
Kung lalabas ng tahanan ay magsuot ng maaliwalas na damit at ugaliing magdala ng inuming tubig para iwas dehydration.
-
Ex-tennis star Maria Sharapova napili bilang 2025 Tennis Hall of Fame
NAPILI bilang inductees ng 2025 International Tennis Hall of Fame si dating World number Maria Sharapova. Kasama rin itong napili ang US doubles team na magkapati na sina Bob at Mike Bryan. Ang five-time Grand Slam champion ay isa sa 10 mga babae na nagkamit ng career singles Grand Slam. Nanatili siya […]
-
Diskriminasyon laban sa mga estudyanteng Moro, kinondena
KINONDENA ng mga Muslim na mambabatas ang hinihinalang profiling ng Philippine National Police (PNP) sa mga mag-aaral na Muslim at inilarawan ito bilang lantad na uri ng diskriminasyon. Isang talaan ang pupunan ng mga ito ukol sa detalye ng bawat estudyante tulad ng grade level, gender at total na bilang ng Muslim students sa […]
-
ALEX, inamin na rin na kinasal na sila ni MIKEE noong November 2020
SA latest YT vlog ni Alex Gonzaga, inamin niya na kinasal na sila ni Mikee Morada. Kasabay nga ng 33rd birthday ng TV actress/host noong Sabado, January 16, 2021, ibinahagi ni Alex na naganap ang civil wedding ceremony sa family room ng bahay ng mga Gonzaga sa Taytay, Rizal noong November 2020. Sa […]