• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DSWD, nagbukas ng e-payment bilang alternative mode para tumanggap ng cash donation

TUMATANGGAP na ngayon ang  Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng payments at donasyon sa pamamagitan ng  LANDBANK Link.BizPortal, isang  e-payment facility na pinapayagan ang mga kliyente at partners ng DSWD na makapag- transact ng  business at/o bayaran ang kanilang  monetary obligations via online mode.

 

 

Sinabi ni DSWD Secretary Erwin T. Tulfo na ang  e-payment ay alinsunod sa  Executive Order No. 170 ukol sa “adoption of digital payments for government disbursements and collections, Republic Act 11032 or the Ease of Doing Business and Efficient Service Delivery Act of 2018, and the Anti-Red Tape Authority Memorandum Circular No. 2020-06.”

 

 

Ang mga prospective clients at partners ay maaaring gamitin ang  e-payment link para mag- transfer  ng monetary donations at/o kaya naman ay magbayad ng licensing, registration, at accreditation ng Social Welfare and Development Agencies (SWDAs), magbayad sa  Social Welfare and Development Center for Asia and Pacific dormitory at training fees, at magbayad ng  fees para sa  travel clearance ng mga  minors o menor de edad.

 

 

Ang online payment facility ay maaaring i- accessed sa Landbank official website o DSWD official website na matatagpuan sa  sidebar area o sa pamamagitan ng  direct link https://www.lbp-eservices.com/egps/portal/index.jsp.

 

 

Gayunpaman, isang minimal transaction fee na nag-range mula sa  P15 hanggang P30 kada trabsaksyon ang itsa-charged ng Landbank mula sa kliyente gamit ang mga sumusunod na payment options gaya ng:

 

— Landbank ATM/Visa Debit Cards;

— BancNet-Member Bank ATM/Debit Cards;

— Globe G-Cash accounts;

— Other e-money issuers gaya ngMaya, Shopee Pay and Grab Pay;

— Cash Payment via Over-the-Counter sa  7-Eleven, Cebuana, Palawan, Bayad Center, Western Union, SM, Robinsons, ECPay, Bayad Express, BDO. .

 

 

Sa kasalukuyan, ang online payment system ay available lamang sa field offices (FOs) sa National Capital Region, Mimaropa, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Bicol, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region at Soccsksargen bilang alternative collection systems.

 

 

Samantala ang natitirang DSWD FOs ay” already enrolled and awaiting the processing of the Landbank head office for approval.”

 

 

“The DSWD will look into more partnerships prioritizing digital transformation toward an inclusive financial system for its client and beneficiaries,” ayon sa ulat.  (Daris Jose)

Other News
  • POLO, magiging daddy na rin dahil buntis ang kanyang fiancee na si PAULYN

    IDAGDAG pa si Polo Ravales sa magiging daddy sa taong ito dahil buntis na ang fiancee nitong si Paulyn Quiza.     Sa kanyang Facebook account, pinost ng former teen star ang ultrasound ng kanilang baby. Masayang-masaya si Polo dahil natupad na ang matagal na nilang hinihiling ni Paulyn.     “Thank You Lord for […]

  • Tambalang Go-Duterte sa Eleksyon 2022, wala pa ring kasiguraduhan – Nograles

    WALA pa ring kasiguraduhan ang tambalang Senador Christopher Lawrence “Bong” Go at Pangulong Rodrigo Duterte para sa 2022 national elections.   Sa isinagawang Pandesal Forum, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na kapwa may “indefinite decision” sina Go at Pangulong Duterte sa naging panawagan sa kanila na tumakbo sa pagka-pangulo at bilang bise-presidente sa halalan […]

  • Sec. Andanar, personal na kinumpirma na tinamaan ng Covid- 19

    KINUMPIRMA mismo ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na positibo siya sa Covid-19 at isang asymptomatic.   Sa kalatas na ipinalabas ni Andanar, nakasaad dito na kaagad siyang nag-isolate at nag-home quarantine.   “I would like to confirm that I have, unfortunately, tested positive for COVID-19. Though I am asymptomatic, I was […]