DSWD, nagpadala ng mas maraming ‘food packs’ sa Negros Island sakali’t mag-alboroto at pumutok ang Bulkang Kanlaon
- Published on January 20, 2025
- by Peoples Balita
IPINAG-UTOS ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian sa Disaster Response Management Group ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magpadala ng mas maraming food packs sa Negros Island para sa inaasahang pagputok ng Bulkang Kanlaon, huling sumabog noong nakaraang Disyembre at nananatiling nasa Alert Level 3.
Sinabi ng DSWD na tiniyak ni Gatchalian sa mga field offices ng departamento sa Central at Western Visayas regions na ang karagdagang food packs ay darating, araw ng bukas, Linggo, Enero 19.
“We will fill our provincial warehouses on the island to the brim,” ang winika ni Gatchalian.
Aniya pa, kailangang tiyakin ng DSWD na maihahatid ang 40,000 food packs sa Negros Oriental at panibagong 40,000 sa Negros Occidental sa araw ng Lunes, Enero 20.
Ang Food packs ay ay sinadya upang mapanatili ang pamilya na na-displaced ng kalamidad gaya ng pagsabog ng bulkan, lindol at pagbaha.
“Check the maximum capacity for both sides of Kanlaon. I want maximum capacity the warehouses of Negros Oriental and Occidental. So we have to be ready,” ayon sa Kalihim. (Daris Jose)
-
Ilang miyembro ng Paralympic team positibo sa COVID-19
Bagama’t may nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ay natuloy pa rin ang biyahe ng limang national para athletes kahapon para lumahok sa Paralympic Games sa Tokyo, Japan. Sinabi kahapon ni Philippine Paralympic Committee (PPC) president Mike Barredo na isang para athlete at ilang opisyales at coaches ang COVID-19 positive. Hindi binanggit ni Barredo […]
-
Nationwide issuance ng 10-year drivers’ licenses nakatakda sa Disyembre
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nangako ang Land Transportation Office (LTO) na sisimulan na nito ang nationwide issuance ng drivers’ licenses na mayroong 10-year validity sa buwan ng Disyembre ngayong taon. “By December 2021, the LTO commits that all its offices nationwide will be issuing licenses with a 10-year validity,” ayon kay […]
-
Dahil sa kakaibang husay sa pag-arte… ROYCE, umani ng mga papuri mula sa veteran cast ng ‘Makiling’
MULA nang magsimula noong 2024 bilang opening salvo ng GMA Public Affairs, ang revenge drama na ‘Makiling’ ay nabighani ng mga manonood sa bawat episode, at sa mga teaser nito na nakakuha ng milyun-milyong view online. Ang lead actress nito, Sultry Leading Lady Elle Villanueva, ay binihag ang madla sa kanyang kagandahan at […]