• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DSWD, nagpadala ng tulong sa mga flood victims sa Visayas, Mindanao

IKINASA na ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang relief operations sa mga lugar sa  Visayas at Mindanao na apektado ng pagbaha.

 

 

Sinabi ng Malakanyang na ang  relief operations ay ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

 

 

Sa katunayan, sinimulan na ng DSWD field offices sa Eastern Visayas at Northern Mindanao ang pamamahagi ng  family food packs sa flood-hit residents ng  Eastern Samar, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Camiguin at Bukidnon.

 

 

Sinabi ni Grace Subon, DSWD regional director sa Eastern Visayas, na may 32,458 indibiduwal ang apektado ng pagbaha sa anim na bayan sa Eastern Samar (Jipapad, Oras, Arteche, Mercedes, Taft at Giporlos) nito lamang holiday weekend.

 

 

Aniya pa, nakikipag-ugnayan sila sa municipal government para sa pamamahagi ng 45,000 food packs at P10 million na standby funds.

 

 

Inihayag naman ni Ramel Jamen, DSWD regional director sa  Northern Mindanao, na nagsimula na rin silang mamigay ng  food at non-food relief items sa 9,342 pamilya o 45,687 indibiduwal sa mga lalawigan sa  Misamis Oriental, Misamis Occidental, Camiguin at Bukidnon.

 

 

Sa mga apektado, sinabi ni Jamen na 9,256 pamilya  o  45,242 indibidwal ang nananatili sa  evacuation centers “as of 3 p.m. Sunday.”

 

 

Habang mahigit lamang sa 12,000 family food packs ang available sa kanilang field office, kaagad naman aniyang nag-request ng karagdagan mula sa kalapit na regional offices.

 

 

Ani Jamen, ang kanilang tanggapan ay mayroong P7.3 million na standby funds para sa  relief operations.

 

 

Maliban sa family food packs at non-food relief items gaya ng  modular tents, medical kits at hygiene kits, naghanda rin ang  DSWD ng cash sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations program.

 

 

Samantala, wala namang na-monitor ang Pag-asa ng kahit na anumang tropical cyclone o low pressure area subalit  “a shear line is causing moderate to heavy to at times intense rainfall in Eastern Visayas, Surigao del Norte and Dinagat Islands; and moderate to heavy rains over Southern Palawan, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao and the rest of Caraga and the Visayas.” (Daris Jose)

Other News
  • Pinoy workers na nagka-COVID-19 sa Hong Kong, sinibak ng employers

    PAPANAGUTIN ng Philippines’ Consulate General sa Hong Kong ang mga employers na magsisibak sa mga Filipino workers na nagpositibo sa COVID-19 sa gitna ng pagtaas ng kaso infections sa nasabing bansa.     Sinabi ni Consul Ge­neral Raly Tejada, na iba-blacklist ng Pilipinas ang employers na magsisibak sa kanilang mga manggagawang Pinoy na nahawa ng […]

  • Miyembro ng criminal gang, tiklo sa entrapment ops sa Caloocan

    LAGLAG sa selda ang isang miyembro ng ‘Dacallos Criminal’ gang na sangkot umano sa illegal na pagbebenta ng baril matapos matimbog ng pulisya sa entrapment operation sa Caloocan City.     Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) hinggil sa umano’y iligal na […]

  • Suspensyon ng mga major sports events, pinaboran sa Kamara

    SUPORTADO ng chairman ng House Committee on Youth and Sports Development ang desisyon na pansamantalang suspindihin ang ilang sports events kabilang na ang pagho-host ng Pilipinas sa 10th ASEAN Para Games (APG).   Ayon kay Valenzuela City Rep. Eric Martinez, ito ay bilang pagtugon na rin sa naging advisory ng Department of Health (DOH) kaugnay […]